Monday, February 18, 2019

BINABAON SA LIMOT SI RICHARD SANTILLAN!


Image result for images of richard santillanIbinulgar ni Glenn Chong sa kaniyang Facebook page na pinasasagot na ng Ombudsman si Gen. Edward Carranza sa mga kasong kriminal at administratibo na isinampa niya laban ditto kaugnay ng pagpatay kay Richard Red Santillan.

Noon pang Jan. 29, o tatlong linggo na ang nakalipas, ang order ng Ombudsman  pero HINDI ITO LUMABAS SA NATIONAL MEDIA. Maliwanag pa sa sikat ng araw na BINABAON SA LIMOT ang pagpatay kay Richard. Kaya para HINDI MAGKALIMUTAN, heto ang detalye ng post ni Glenn:

Ang mga kasong kriminal ay Removal, Concealment, Destruction of Documents at Obstruction of Justice sa ilalim ng Sec. 1(a), (b), (c), (f) at (i) ng Act No. 3815 o ang Revised Penal Code. (OMB-P-C-19-0007)

Ang kasong administratibo ay Misconduct sa ilalim ng Sec. 5(a) at (e) ng RA No. 6713 o and Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. (OMB-P-A-19-0007)

Ang mga kasong ito ay isinampa namin dahil ayaw talaga ibigay ni Carranza sa amin ang mga dokumento, reports at ebidensiya na hawak ng kanyang opisina hinggil sa pagpatay at pagset-up kay Richard Red Santillan ng mga tiwaling kapulisan na direktang nasa ilalim ng kanyang pamumuno.

Dahil sufficient in form and substance o may sapat na basehan ang aming reklamo laban sa kanya, binigyan si Carranza ng 10 araw lamang mula ng pagkatanggap ng utos ng Ombudsman-MOLEO na maghain ng kanyang Counter-Affidavit o sagot sa mga paratang namin.Binigyan din kami ng 10 araw lamang upang pabulaanan ang mga palusot ni Carranza.

Matatandaang nagmatigas din si Carranza sa hiling ng National Bureau of Investigation, Public Attorney’s Office at Commission on Human Rights na makuha ang mga nasabing dokumento, reports at ebidensiya.

Kumontra na ang kokontra.
                                                   ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30     


No comments:

Post a Comment