Saturday, February 9, 2019

ILUSYONADO KA NA, NOYNOY, LOW I.Q. PA!


Image result for images for noynoy aquino
Reacting to a House of Representatives committee recommending charges against him for the highly suspicious Dengvaxia transaction, Noynoy Aquino was quoted in a story in https://news.abs-cbn.com/news/02/09/19/binalot-nila-ng-intriga-takot-aquino-blames-opponents-for-vaccine-scare-measles-outbreak as saying:

“Maliwanag po, may mga kalaban tayo sa politika, na laging sasabihing mali ang ating ginawa o 'di ginawa. Gumagawa sila ng isyu kung saan dapat walang isyu. Binalot nila ng intriga, pagdududa, at takot ang mga bakuna... kaya pati ang bakunang gaya ng para sa tigdas ay inaayawan.”

ILUSYONADO ka na, LOW I.Q. (intelligence quotient) ka pa Noynoy!

Una: HINDI ka na PRESIDENTE o anumang klaseng politiko, Noynoy. ORDINARYONG TAO ka na lang! Kaya WALANG DAHILAN, at lalong WALANG MAPAPALA NA KABUTIHAN, ang mga kalaban mo sa politika para gamitin ang Dengvaxia issue para sa BANGUNGOT mong gumagawa sila ng isyu ng wala namang dapat, o sabihing lagi kang mali.

HINDI NA KAILANGANG SIRAIN ka pa, Noynoy, dahil sa aminin mo o hindi, ALAM MONG SIRA KA NA sa majority o higit na nakararami sa sambayanan. IKAW AT SINUMANG MAY KAUGNAYAN SA IYO.  Isang simpleng ebidensiya nito ay AMINADO ang mga galamay sa mo Liberal Party na NAPAKAHINA.

Pangalawa: Mula simula hanggang wakas, DENGVAXIA LAMANG ang inimbestigahan sa House. WALA NANG IBA. Kaya KABOBOHANG SAGAD para sabihin mong pati ibang bakuna tulad ng para sa tigdas, nadadamay. Kabobohang sagad at bulok na istilong PANGLILIHIS SA TUNAY NA ISYU  ang palusot mo, Mr. Aquino.

Taumbayan na kamo ang bahalang humusga, Noynoy? ASAHAN MONG GAGAWIN NAMIN IYON. Hindi kami tanga. HINDI MO KAMI KAYANG PALUSUTAN!
                                                                              ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30





No comments:

Post a Comment