Jan. 17, 2016
PANDARAYA KAY BONGBONG, LALONG TUMIBAY!
Lalong tumibay ang protesta ni Bongbong
Marcos na nadaya siya noong eleksiyon nang mismong ang Comelec na ang mnakadiskubre
kahapon na may laman na ang secure digital (SD) cards mula sa 26 na vote
counting machines na hindi kuno nagamit noong halalan noong Mayo.
Anuman ang idepensa ng Comelec o ninuman,
MALIWANAG NA MAY DAYAAN sa likod ng 26 na SD cards. Dahil kung wala, HINDI MASASAMA ang mga ito sa mga hindi
nagamit kuno na VCM na isinoli na ng Comelec sa Smartmatic. At Diyos na lamang
ang nakakaalam kung ano na sana ang nangyari sa 26 na SD cards. Tiyak namang
hindi pa ganoong KATATANGA ang mga taga Comelec para HINDI INSPEKSIYUNIN ang
lahat ng SD cards bago sila nagsoli ng VCMs sa Smartmatic.
Piso manalo lima, siguradong MALAKING MALAKI ang
lamang ni Bongbong kay Leni sa mga botong nasa 26 na SD cards. At bago
malimutan ng lahat, may nakita ring laman sa SD cards ng MAHIGIT 100 VCMs na
hindi rin kuno nagamit noong eleksiyon nang isoli ng Comelec ang mga ito sa
Smartmatic.
Tiyak na sasabihin ng kampo ni Leni Robredo
na wala silang alam dito. Kaya BAGO
MALITO ang sinuman, tutoo man ito o hindi ay KWESTYONABLE AT DAPAT AGAD
IBASURA, AT IBAWAS ang anumang boto ni Lenin na nasa 26 na SD cards sa KABUUAN
NIYANG BOTO. Kahit uilit-ulitin ni Robredo na wala siyang alam ay HINDI SAPAT
NA DAHILAN IYON para hindi mabasura at mabawas sa kaniya ang mga nasa SD cards.
Tandaan natin, SI BONGBONG ANG TUMUTOL sa paggalaw at pagsoli sa mga VCMs,
HINDI SI LENI!
Anuman ang sabihin ni Leni o ng kampo niya
mula ngayon ay HINDI NA DAPAT PANIWALAAN. 30
No comments:
Post a Comment