Jan. 25, 2017
MAY 93 PANG KWESTYONABLENG SD CARDS!
Bago matabunan sa media ng kaso ng pagpatay kay
Jee Ick Joo, HUWAG NATING KALIMUTAN mga kababayan na may 93 pang SD cards na hindi
nagamit kuno pero may laman nang data na nadiskubre sa mga isinoli ng Comelec na
unused vote counting machines (VCM) sa Smartmatic.
Kasama ang 93 ng 13 pang SD cards na hindi rin
nagamit kuno pero nakitaan rin ng laman at nakatakda nang eksaminin ng Comelec.
Kasalukuyang nasa Senate Electoral Tribunal ang 93 SD
cards kaugnay ng protesta ng natalong kandidato na si Francis Tolentino.
Uulitin ko lamang, HINDI IKINAILA ng Comelec at ng Smartmatic ang pagkakaroon
ng data nang mahigit 100 sa mga hindi nagamit kuno na VCM na isinoli na ng
Comelec sa Smartmatc.
WALA PA TAYONG KATIYAKAN kung ano ang laman
nung 93 SD cards -- mga boto ba ng Senate elections lang o mayroon
din tungkol sa mga boto nina Leni Robredo at Bongbong Marcos, ebidensiya ba ng dayaan o hindi ng anumang
bilangan.
Kaya’t HUWAG NA HUWAG nating kalimutan ito, mga
kababayan. Huwag tayong malunod o mabulag sa araw-araw na balita tungkol sa Jee
case hanggang sa makalimutan na natin ang 93 SD cards. Dahil baka hindi lang
natin alam, DIVERSIONARY TACTIC lamang ang
pagkakabulgar sa Jee case ngayon para doon lamang matuon ang ating pansin.
Ngayon kung kalian UMIIINIT NA ang isyu ng SD
cards, At WALANG MAIBIGAY NA PALIWANAG at ayaw pang kumilos ng Comelec. 30
NEVER FORGET
ReplyDeleteDEMAND SPEEDY TRIAL OF PET