Sunday, January 15, 2017

DAPAT PUMAYAG AGAD SI LENI SA RECOUNT!

Jan. 16, 2017
DAPAT PUMAYAG AGAD SI LENI SA RECOUNT! 

Kung talagang walang naging dayaan para manalo si Leni Robredo noong eleksyon, WALANG DAHILAN PARA HINDI SIYA PUMAYAG AGAD na irecount na ang mga boto nila ni Bongbong Marcos sa lalong medaling panahon. At lalong WALANG KARAPATANG PIGILAN ng sinumang kakampi niya sa Liberal Party (LP) ang recount. Kung tutuuysin, si Leni pa nga ang DAPAT MAUNANG MANAWAGAN sa Supreme Court, na umaakto ring Presidential Electoral Tribunal (PET), na iutos na sa lalonmg medaling panahon ang recount.

Kung walang naging dayaan para sa kaniya, at siya at ang kampo niya ay WALA RING KAWALANGHIYAANG DAPAT ITAGO, lalong walang dahilan para tumanggi si Leni sa recount. Hindi naman siguro siya tanga para hindi maisip na siya nga ang MAKIKIBANANG NG HIUSTO klung mapapatunayan sa recount ang sinasabi niyang malinis ang kaniyang panalo.

WALANG TIGIL ang batiko at pagtawag sa kaniya ng pekeng bise-presidente sa social media. Minumura at iniinsulto na siya. Social o national media man, WALA RING NABABALITA kahit isang kilala at malaking grupo na nagdeklara na ng walang hangganang paniniwala na malinis ang kaniyang panalo. HANGGANG NGAYON AYAW IPAKITA NG COMELEC ang hindi awtorisadong pagbabago na ginawa ng  Smartmatic sa script ng transparency server noong gabi ng eleksyon. Humigit-kumulang sa 20,000 pahina at piraso ng ebidensiya ang isinumite ni Bongbong kasama ng kaniyang protesta.  

REPUTASYON NI LENI ang patuloy na nawawasak. Pero KADUDA-DUDANG WALA SIYANG ANUMANG GINAGAWA o sinusunggban na pagkakataon para agad na maayos ito at malinis ang kaniyang pangalan, Na agad na gagawin ng sinumang TUNAY NA INOSENTE at nasisr sa mata ng taumbayan ng para sa kaniya ay pawing kasinungalingan lamang. Tiyak namang hindi rin tatanggapin ni Leni na super kapal ang mukha niya o saksakan siya ng bobo at reputasyon lamang ay hindi niya alam ang ibig sabihin.

Recount lamang ang pinaka-mabilis na paraan para magkaalaman na ng katotohanan, at matapos na ang away ng mga anti at pro-Leni. Kung TUNAY NA MAKATAO si Leni tulad ng gusto niyang palabasin, ngayon ang pagkakataon para niya patunayan. 30



No comments:

Post a Comment