Tuesday, January 3, 2017

PANGGAGAGO NI LENI, LANTARAN NA!

Jan. 03, 2017
PANGGAGAGO NI LENI, LANTARAN NA!

Tingnan ninyo kung gaano na KALANTARAN AT KAGARAPAL ang PANGGAGAGO ni Leni Robredo sa sambayanan, lalo na sa mga biktima ng bagyong ‘Nina’ na KAPUWA NIYA BICOLANO.

In a story in abs-cbnnews.com, Leni was quoted as telling ‘Nina’ victims in Naga City: "Andun ako (sa US) na ang sama sa loob na may nangyayari dito na wala ako...masama yung timing ngayon. Masama yung loob ko na nangyari yun na wala ako."  Kung talagang masama ang loob niya, BAKIT HINDI NIYA BINANGGIT MAN LAMANG ang mga biktima ni ‘Nina’ sa kaniyang New Year message? Ni ISANG SALITA NG SIMPATIYA, WALA! Gusto pang gawing TANGA ang mga biktikma na masama pa ang loob niya ng lagay na iyan?  Christmas Day binayo ng ‘Nina’ ang Bicol. Pero WALA ring narinig na kahit na anong PAKIKIRAMAY MULA MISMO sa iyo.

Naglabas ng press statement ang Office of the Vice-President (OVP)  na diumano, mino-monitor ni Leni ang sitwasyon at nagutos na itong makipag-coordinate ang mga tao niya sa mga ahensiya ng pamahalaan na nagsasagawa ng relief operations. Pero WALANG ANUMANG PARTIKULAR na nasabi kung ANONG AHENSIYA ang kinausap. ANO ANG PINAGUSAPAN at SAANG LUGAR sila nakatulong. Higit sa lahat, igit sa lahat, mismong si Social Welfare and Development Sec. Judy Taguiwalo ang nagsabi na WALANG ANUMANG RELIEF GOODS NA DUMAAN sa OVP o sa bahay ni Leni sa Naga dahil HINDI NAMAN KAILANGAN.

At para makumpleto ang drama niya, sinabi pa ni Leni na pinaigsi na niya ang bakasyon pero ang pinaka-maagang nakuha nilang biyahe pabalik sa Pilipinas ay Dec. 31.  Pero PANSININ NINYO ITO, mga kababayan: sabi ni Leni, "Napakahirap maghanap ng limang tickets kasi kasama ko yung tatlo kong anak at nanay ko na 80 years old."

Kahit na mahirap lang ako, ako naman ay najkarating na rin ng ilang beses sa Amerika dahil sa naging trrabaho ko noon sa media. Kaya’t sa mga hindi nakakaalam, kapag bumili ka na ng tiket pa-Amerika at tatanungin ka kung one-way ba o balikan (round trip).  Dahil bakasyon lang ang kina Leni, round-trip ang dapat na kinuha nila. Kung round-trip ang tiket, IBO-BOOK O IRE-REBOOK lang ito kung wala pa, o mayroon nang naunang nakalagay na petsa ng biyahe pabalik. HINDI KAILANGANG MAGHANAP NG BAGONG TIKET. Mga Bicolano, GISING. Sumagot na ang gustong sumagot.30





1 comment:

  1. Bubay talaga yang si lugaw queen... Ginagawang tanga mga tao!!! Lapit ka ng magligpit at darating na tunay na VP!!!

    ReplyDelete