Thursday, January 5, 2017

WALA KANG PUWEDENG IPAGYABANG, LENI!

Jan. 05, 2017
WALA KANG PUWEDENG IPAGYABANG, LENI!

Bago may MALOKO si Leni Robredo sa relief operations kua KUNO ng mga tauhan niya sa Office of the Vice-President. LIWANAGIN NATING MABUTI:

Kung TUTOO MAN ang sinabi ni Leni na nauna pang natanggap ng ilang biktima ng bagyong \Nina’ na galling sa kaniyang tanggapan, DAPAT LANG. HIINDI ITO KAKAIBA na puwede niyang IPAGMALAKII dahil MAYROON siyang mga tauhan na MISMONG SA BICOL NAKATIRA, sa mismong sinalanta ni ‘Nina.’ Kaya natural lang kung maunang makarating ang relief goods mula sa kaniya kesa sa gobyerno sa ilang lugar. Para sa mga hindi nakakaalam, anumang relief mula sa gobyerno ay inihahanda at nanggagaling muna sa mga warehouse ng DSWD o anumang ahensiya bago ito dalhin sa kung saanman. At hindi lahat ng lugar ay may warehouse ang  DSWD.

Kumbaga, nagkaroon halimbawa ng malaking sunog sa Tondo sa Maynila. Hindi kagulat-gulat o kabilib-biib na mas maunang makarating sa mga nasunugan ang tulong mula ibang lugar ng Maynila tulad ng Paco, Quiapo o Sta. Cruz kesa sa tulong ng mga taga-Makati o Muntinlupa.

Magyabang ka, Ms. Robredo, kung PAREHO ANG PINANGGALINGAN ng relief goods mula sa iyo (kung talagang meron) at ng sa gobyerno. Pero nauna pa rin ang sa iyo. Daan-daan o baka libu-libo pa ang mga volunteer sa DSWD na tumulong para magkaroon ng relief goods ang mga kapuwamo Bicolano, habang  NAGPAPASARAP KA SA AMERIKA, tapos nagawa mo pang magyabang. Huwag kang sobrang kapal ng mukha, Ms. Robredo. 30





No comments:

Post a Comment