Sunday, January 22, 2017

DELIKADO TAYO SA COMELEC, MGA KABABAYAN!

Jan. 23, 2017
DELIKADO TAYO SA COMELEC, MGA KABABAYAN!

Hanggang ngayon, HINDI NILA INAAKSIYUNAN ang pagkakaroon ng data sa 13 SDA cards na SILA NA MISMO ang nagdeklarang HINDI NAGAMIT noong nakaraang eleksiyon. Hindi nagamit kuno PERO MAY LAMAN!. WALA pang nababalitang nadsimulana sila ng imbestigasyon. WALANG BALITA na pinagpapaliwanag na nila ang Smartmatic. WALA ting nababalitang pinagpapaliwanag na nila ang mga tauhan nila at ng Smartmatic na nangasiwa sa mga SD cards at vote counting machines (VCM) na pinaglagyan ng mga iito. Higit sa lahat, WALA ting nababalitang aksiyon ang Comelec sa PAGKAWALA NG LAMAN ng 13 iba pang hindi nagamit kuno pero MAY MGA LAMAN NA RING DATA na SD cards nang isoli ang mga ito sa Smartmatic.

LANTARAN, GARAPALANG KATARANTADUHAN ito pero BINABALE-WALA ng Comelec, mga kababayan! Sila mismo, WALA pa ting maibigay na paliwanag pero HINDI RIN NILA MA-JUSTIFY kung bakit AYAW NILANG AKSIYUNAN ang usapin. At bago may MANLOKO O MAMILISOPO sa kampoi ni Leni o ng Comelec na umaaksiyon na sila sa pamamagitan ng pagdecrypt o pagbukas ng 13 SD cards, HINDI IYUN ANG ISYU.

Ang tanong, BAKIT MAY LAMAN NA ang 13 SD cards samantalang IDINEKLARA NILA ANG MGA ITO NA HINDI NAGAMIT? Kung talagang hindi nagamit, DAPAT WALANG LAMAN! SINO ang naglagay ng data, kalian at saan at paano ang nangyari? Higit sa lahat, BAKIT INILIHIM ANG PAGKAKAROON NG LAMAN ng 13 SD cards?

KATARANTADUHAN, ANOMALYA, KRIMEN lamang ang inililihim At HINDI UMAAKSIYON ang Comelec, nang walang malnaw na dahilan. DELIKADO TAYO, mga kababayan. Delikado na, TAGILID PA TAYO sa Comelec. 30


No comments:

Post a Comment