Saturday, July 15, 2017

TAKUTAN, LOKOHAN NA PARA KAY LENI


Image result for leni robredo

16 JULY 2017

Tuluy-tuloy na ang TAKUTAN AT LOKOHAN para makatulong sa anumang paraan kay Leni Robredo sa protesta ni Bongbong Marcos laban sa kaniya.

Tatlong beses na kong nakakakita ng post sa Facebook ng isang gamit ang pangalan na Robert F. na nananakot na nakamatyag ang taumabayan sa magiging pagnanakaw ni BBM ng boto ni Leni. Nagmura pa ang nagpost. Sinabi ko na noon at uulitin ko na naman: MAY PROTESTANG ISINAMPA si Bongbong. At tulad ng alam nating lahat, umaandar na ang protestang iyon.  BIBILANGIN ulit ang mga botong kinukuwestiyon ni Leni, SA HARAP NIYA o ng mga abugado niya. Kaya ANONG PAGNANAKAW ang mangyayari? SINUNGALING AT MANLOLOKO, kundi man HARI O REYNA NG KABOBOHAN, ang magsasabi nito!

Kanina ko lamang nakita ang video clip ng abugada ni Leni na nagsasabing kinukuwestiyon ni Bongbong ang integridad ng automated election system. Dahil sa wala siyang sinabing particular na lugar, alam na dat na bupong bansa ang tinutumbok niya.   Pero MULA’T SAPUL nang isampa niya ang kaniyang protesta, malinaw na inihayag ni Bongbong na sa ilang probinsiya at siyudad lamang niya gustong mabilang ulit ang mga boto. HINDI ANG LAHAT NG BOTO SA BUONG BANSA.  MANLOLOKO na rin lang, BULOK pa style.

Doon sa video clip ko rin nalaman na tinanong pa pala ni Presidential Electoral Tribunal (P.E.T) Justice Marvic Leonen ang kampo ni Bongbong kung handa silang harapin ang magiging resulta ng kanilang protesta para sa iba pang kandidato. Nanakot pa kumbaga. Dahil iisa lamang daw ang certificate of canvass para sa lahat ng kandidato. Ang sagot ng kampo ni Bongbong ay ‘O0.”

Ni HINDI NA DAPAT tinanong ni Leonen iyon kung tutuusin dahil nagprotesta si Bongbong para lamang sa SARILI NIYA. Hindi para sa lahat ng kumandidato. Kaya hindi na problema ni Bongbong kung paano magre-react ang ibang kandidato. Walang moral na dahilan para mahiya siya kaninuman o masisi siya sa anuman ninuman kung sakali. Wala akoing makitang ibang dahilan sa tanogn na ito ni Leonen maliban sa PAKABAHIN ngayon pa lamang si Bongbong.

TARANTA na ngayon pa lamang ang TRIBO ROBREDO! 30





2 comments:

  1. naguguluhan ako sa comment mo kung kanino ka panig?

    ReplyDelete