Thursday, July 20, 2017

KAPAL NG MUKHA NI PNOY, TO THE MAX!

Image result for noynoy aquino



20 July 2017


Sa mga lumalabas niyang press releases, parang gusto pang palabasin ni Noynoy ‘PNoy’ Aquino na agrabyado siya sa pagkakasampa ng kaso laban sa kaniya kaugnay ng massacre ng SAF 44 sa Mamasapano. KAPAL NAMAN NG MUKHA to the max! Kayo bago may MALOKO si Noynoy, o sinuman sa mga kakampi niya, HUWAG NATING KALIMUTAN ang mga sumusunod:

Namatay LAHAT ang SAF 44 dahil WALANG PINADALANG REINFORCEMENTS o saklolo si Noynoy sa kanila, pulis man o sundalo. Nagsisimula pa lamang ang labanan umagang umaga, hanggang sa makarating sa isang airbase na di kalayuan sa Mamasapano si Noynoy noong araw ng engkwentro, ALAM NIYA ANG NANGYAYARI. Alam ni Noynoy na maaga pa ay RUMARADYO NA NG SAKLOLO ang SAF 44. May mga eroplano, sundalo at pulis sa paligid niya. Pero WALANG INUTUSAN SI NOYNOY NA SAKLOLOHAN ang SAF 44, mula man sa lupa o sa ere. WALA rin siyang inorder na pagbomba sa mga teroristang kalaban ng SAF44. WALANG KAHIT NA ANO. hanggang sa matapos ang bakbakan makaraan ang humigit-kumulang na 12 ORAS at PATAY NA LAHAT ang SAF 44. Kahit na kung sinu-sinong heneral ang kasama noon ni Noynoy, SIYA LAMANG ang maaaring magutos ng mga oras na iyon dahil siya ang COMMANDER-IN-CHIEF ng militar, at ng pulisya.

Kahit na hindi pinaalam agad ng PNP-SAF sa militar sa Mamasapano ang misyon nila, HINDI SILA MAUUBOS kung agad silang napuntahan pagkatapos na rumadyo na sila ng tulong. KATARANTADUHAN ang depensa ng kung sinu-sino noon na WALANG NAKAKAALAM NG EKSAKTONG KINALALAGYAN ng SAF 44 kaya hindi sila nasaklolohan agad.  Tutoo man ito o hindi, WALANG DAPAT GAWIN SI NOYNOY noon kundi magutos sa isang eroploano o helicopter na lumipad patungo sa labanan at mula sa ere ay hanapin at tingnan sa mapa ang kinalalagyan ng SAF 44 para mairadyo sa airbase.

KAGAGUHAN din kung sasabihin na hindi makikilala o mahihirapang makilala ang SAF 44 sa mga naglalaban kung nagpalipad man ng eroplano o helicopter sa luag ng engkwentro. Bakit? NAKAUNIPORME o nakla-vest ng pulisya ang SAF 44. BULAG O NAGBUBULAG-BULAGAN lamang ang hindi makakakilala sa kanila, kahit mula sa ere.


Panghuli, KASINUNGALINGAN ang sinasabi ni Noynoy na hindi siya nabigyanb ng pagkakataon para ihayag ang kaniyang panig. Tinangka siyang interviewhin noon ng board of inquiry na nagimbestiga sa Mamasapano massacre. At nabalita ito. Pero si Noynony ang HINDI HUMARAP.! PAGMULTUHAN sana si Noynoy ng SAF 44. 30  

1 comment: