Monday, July 31, 2017

STATEMENT NG OZAMIZ SURVIVOR, BUTAS-BUTAS DIN!

Mayor Parojinog








01 August 2017

A story in abs-cbnnews.com said a survivor of the police raid that killed Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog and 12 others has revealed that the mayor, his wife and brother-provincial board  member Octavio were DELIBERATELY KILLED. Pero kung pagaaralang mabuti ang lkuwento ng testigo, na itinago sa pangalang Cesar, makikita agad na puno ito ng BUTAS.

Sabi ni Cesar: “Pagdating ng mga pulis pinadapa kami pinababa kami papunta kina mayor. Pagdating nina mayor doon inipon kami. Ako nakadapa sa harap ni Mayor…maya-maya lumabas ang mga pulis hindi ko alam ano ang dahilan. Maya-maya, may naghagis ng granada, tinamaan ako.”

Walang sinabi si Cesar kung SAANG LUGAR EKSAKTO sa bahay ni mayor sila inipon, sino-sino at ilan sila at ilang pulis ang nakapaligid sa kanila. Napakihirap ding paniwalaan na hinagisan sila-sila nila mayor ng granada pero HINDI SIYA NASUGATAN NG GRABE gayong nakadapa kuno siya SA HARAP MISMO ni mayor. Wala siyang sinabi kung nagawa ba nila ng mga kasama niya na umiwas o hindi kahit konti sa grnada at hindii sila sa pagsabog nito nangamatay agad. Tapos, NAGSIMULA NANG GUMULO ang kuwento ni Cesar. Ayon sa kaniya, “Sabi kasi niya (apparently referring t the mayor) nagtaka siya bakit lumayo ang mga pulis. Tapos, bigla na lang silang GINULUNGAN ng granada.“  Tulad ng alam nating lahat, IBA ANG HINAGISAN SA GINULUNGAN!

Dagdag pa n Cesar: “Bumalik ang mga pulis, tiningnan nila, binaril nila 'yung tita ko, 'yung asawa ni mayor, ewan ko kung binaril. Sabi ni mayor, ‘'Wag naman ganyan, sir.’ Isusunod daw si mayor. Dahil nakaharang si board member, binaril dalawang beses 'yung pangatlo, si mayor. Nagplanting pa ng baril. Nakita ko dahil nakatago ako sa gilid.”

Ito na ang crucial, mga kababayan: Isipin ninyo, nakita kuno ni Cesar ang paglalagay o pagtatanim umano ng baril ng mga pulis. Pero HINDI NIYA ALAM, ibig sabihn ay HINDI NIYA NAKITA, kung binatil ang asawa ni mayor o hindi. Hindi niya sinabi kung anong klaseng baril ang itinanim umano ng mga pulis. At bukod sa hindi nilinaw ni Cesar kung saang gilid siya nakatago, hindi rin pinaliwanag ni Cesar kung PAANO SIYA NAKAPAGTAGO gayong sugatan siya. Alam ng mga pulis na kasama siya nina mayor bago sumabog kuno iyong granada. Kaya nung bumalik ang mga pulis, IMPOSIBLENG HINDI NAPANSIN ng mga ito na WALA na siya at hindi nahanap agad.

At ang PINAKA-MAGULO SA LAHAT: Sabi ni Cesar: “Pagkakita ni board member na parang babarilin na si mayor, nilapitan niya parang niyakap na lang niya. 'Yun na nga binaril si board member, tapos namatay na, tapos binaril si mayor. Tapos hinagisan na sila ng granada, sa ibabaw yata hinagis kaya nasira ang bubong.”  Una, GINULUNGAN, Pangalawa, HINAGISAN habang magkakasama sila. Ngayon, SA IBABAW HINAGIS. ANO BA TUTOO?  Kumontra nma ang kokontra. 30



No comments:

Post a Comment