Saturday, July 8, 2017

HUWAG PATAYIN ANG BULACAN MASSACRE SUSPECT!

Image result for carmelino ibanez



09 July 2017

Sa kinauukulan: HUWAG NINYONG PATAYIN ang dalawang natitirang suspect sa San Jose del Monte massacre sa Bulacan!

Bukod sa testigo, ang dalawang ito lamang ang makapagbibigay ng KUMPLETO AT DETALYADONG KUWENTO ng buong pangyayari, lalong lao na yung natitrirang nawawala pa! Alalahanin ninyo, nagsimula nang magpabago-bago ng kaniyang pahayag ang nakakulong na suspect na si Carmelino Ibanes. Kaya’t tanging nag nawawala na lamang na si Alvin Mabesa ang makapagpapatunay ng tutoong pinaggagawa ni Ibanez.

Tandaan ninyo, yung testigo ay hindi nakita ang aktwal na pagsaksak sa mga minasaker. Mabigat na rin ang pahayag ng testigo na duguan ang pangitaas ni  Ibanes at may hawak itong duguanbg kutsilyo nang makita niya itong tumatakbo mual sa bahay ng mga biktima. Pero kung tutoong kasama si Mabesa, at makikipagtuungan ito sa pulisya, lahat ng pabago-bagong pahayag ni Ibanez ay maliliwanagan at mabibigyan ng ganap na katarungan ang mga biktima.


Kapag napatunayan na ang lahat, kani-kaniya nang diskarte ang mga interesado. 30

No comments:

Post a Comment