Saturday, July 8, 2017

MISTERYO SA BULACAN MASSACRE!

Image result for images carmelino ibanes




09 July 2017

Para mas MAINTINDIHAN, O INTINDIHIN, ng mga gustong patayin agad ang mga natitirtang suspek sa San Jose del Monte massacre sa BUlacan, ISIPIN MUNA NINYONG MABUTI ang mga ito bago ninyo gustuhing makitang bangkay na sila:

Tulad ng sinabi ko sa sinundang blog nito, WALANG TESTIGO SA AKTWAL na pagsaksak at pagpatay sa mga biktima. Inaresto at kinasuhan si Carmelino Ibanes dahil may testigo na duguan ang suot niyang pangitaas atr may hawak siyang duguang kutsilyo habang tumatakbo palayo sa bahay ng mga biktima. Nagturo siya ng mga kasangkot, pero pinawalan ang mga nadawit dagil kulang sa ebidensiya.

Ngayon: BAKIT KAILANGANG PAGPAPATAYIN AGAD ang mga idinawit ni Ibanes? Kung kalian BIGLANG BINAWI ni Ibanes ang ginawa niyang pagamin? HINDI KO SINASABING INOSENTE SI IBANES, o ang sinuman. Pero dahil sa KAWALAN NG TESTIGO sa mismong oras ng pananaksak at pagpatay sa mga biktima, tanging si Ibanes at ang mga idinawit niya ang makapagpapatunay kung SINO ang mga aktwal na pumatay. Kung papatayin agad si Ibanes at ang natitirang suspek na si Alvin Mabesa, SINO PA o PAANO PA mapapatunayan ang TUNAY AT BUONG PANGYAYARI? SINO pa ang makapagdidiin ng walang pagdududa kay Ibanes kung papatayin agad si Ibanes? WALA nang paraan para malaman pa kung ANUMAN ANG NALALAMAN NILA sa massacre.

Pagdating ng araw, buhay pa man o patay na sina Ibanes at Mabesa at tatawagin silang rapist o killer at may sasagot agad na nasaan ang ebidensiya o testigo, sino ang sasagot? At ano ang dapat isagot? Kung KATOTOHANAN ang hanap, dapat ay pinahirapan nja lang o pinaaamin sa anupamang paraan ang mga idinawit hanggang sa magtapat. Para MAS TUMIBAY ang kaso laban kay Ibanes.  Bakit pinagpapatay sila agad? Sabi nga sa Ingles, DEAD MEN TELL NO TALES.

Kung HINDI MAPAPATUNAYAN ang buong pangyayari sa massacre at uubusin na lang agad mga suspek, WALA RING MAGIGING KATARUNGAN ang mga biktima. At uulitin ko ang huling paragraph ng sinundang blog nito, kapag napatunayan na ang lahat KANIYA-KANIYANG DISKARTE na ang mga interesado sa mga suspoek.30



4 comments:

  1. The message is clear, going to the process of law is time and money consuming, to cut it short, when the evidences and testimonies are sure, proceed to the easier way, kill!

    ReplyDelete
  2. way i see it, the drug lords through their henchmen got to these suspects (or persons of interests) to silence them but more to sever the ties they have that will lead authorities to their arrests. Putulin agad ang connection bago pa maituro sila na ikakadakip ng mga nasa taas pa ng hierarchy ng droga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree with you my friend. It's all the workedof Du30 political enemies or DRUGLORD s

      Delete
  3. https://www.youtube.com/watch?v=mjiRvBTUQkg&t=10s

    ReplyDelete