02 July 2017
Halos isang linggo na ang nakakaraan mula
nang pinagpapatay o minasaker ang isang ginang, ang kaniyang tatlong anak at
ang kaniyang ina sa San Jose del Monte, Bulacan noong Martes.Pero hanggang ngayon,
WALANG NABABALITANG anumang tulong o pakikiramay mula sa mga lider ng grupong ‘DILAW.’
Si Leni Robredo, abogada. Ganon din sina Francis
Pangilinan at Leila de Lima. Itama ako ninuman kung mali ako pero ilang araw na ang nakaraan mula noong massacre,
KAHIT ISANG SALITA ng pagtulong o simpatiya/pakikirtamay man lamang sa naulilang asawa ay WALA PANG
NARIRINIG sa mga ito. Ganoon din sa mga kakampi nila tulad nina Bam Aquino, Risa
Hontiveros at Bam Aquino.
Makatao kuno ang mga ito. Kampeon sila ng
karapatang pantao. Iyon ang madalas nilang ipagmalaki. Pero ni HINDI MAN LANG
nila makondena ang massacre, o mabatikos man lamang ang salarin, si Carmelino Ibanez.
Kahit na INAMIN NA NITO ang massacre.
Kung sasabihin ni De Lima na nakakulong siya kaya
paano siya makakatulong, tiyakl namang may mga kaibigan at koneksiyon siya sa
mga kapuwa niya abogada na maaari niyang kausapin upang tulungan ang naulila.
Makatao kuno ang mga ito. Kampeon sila ng
karapatang pantao. Iyon ang madalas nilang ipagmalaki. Pero ni HINDI MAN LANG
nila makondena ang massacre, o mabatikos man lamang ang salarin, si Carmelino Ibanez.
Kahit na INAMIN NA NITO ang massacre.
Kung may magsasabing hindi pa rin
KAIPOKRITUHAN ito, siguraduhin lang na may DETALYE at hindi mura o insulto
lang. 30
No comments:
Post a Comment