Sunday, April 23, 2017

SOBRANG AGRABYADO NA SI BONGBONG!

Image result for bongbong marcos

April 24, 2017

MASYADONG AGRABYADO na si Bongbong Marcos sa nagiging takbo ng protesta niya laban kay Leni Robredo.

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang magbayad si Bongbong ng P36 milyon bilang unang hulog para sa recount ng mga botong sakop ng kaniyang protesta. Nasunod ni Bongbongang deadline sa pagbabayad. Si Leni, hindi.

Pero hanggang ngayon, WALANG ANUMANG PAHAYAG ang Supreme Court (SC) na umaakto ring Presidential Electoral Tribunal (PET), kung KAILAN SISIMULAN ang recount o ang pagkuha ng mga ballot box na naglalaman ng mga botong kinukwestiyon ni Bongbong mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa

Itama ako ninuman kung mali ako. Saan mang transaksiyon, bago tanggapin ng isang panig ang deposito ay may schedule na dapat kung kalian sisimulan ang proseso para dito. O kaya ay agarang meeting kung kalian paguusapan ng magkabilang panig ang petsa ng simula ng proseso. Wala rin namang nakalagay sa order ng PET kay Bongbong para magbayad na sisimulan lamang ang recount kapag naibigay na niya ang kakulangang P30 milyon para sa recount fee.

Kaya ANO PA ANG HINIHINTAY NG PET?  Tinanggap nila ang deposito ni Bongbong pero walang anumang kaseguruhan yung tao kung KAILAN AANDAR ang kaniyang protresta.  At ang MAS MATINDI, ni isang salita ay WALANG MASABI ANG PET kay Leni kahit na HIND SILA SINUNOD, O BINALE-WALA NITO.

Nauna pa rito, magiisang taon na ang protesta ni Bongbong laban kay Leni pero WALA pa ring itinatakdang preliminary conference ang PET para dito. Enero pa nagsimulang humiling ng preliminary conference si Bongbong pero hindi siya pinapansin. Samantaanang nang iprotesta ni Mar Roxas ang pagkatalo niya noon kay Jejomar Binay sa pagka-bise president, nagsagawa ng preliminary conference ang PET sa loob lamang ng tatlong buwan.

Kumontra na ang gustong kumontra. 30



4 comments:

  1. Dapat cguro sugurin na ng mga bbm supporters ang SC....maliwanag pa sa sikat ng araw...hindi lng c bbm ang pinaglalaruan nila kundi ang mga taong sumusuporta ky bbm...

    ReplyDelete
  2. didnt u know that chief justice sereno was appointed by pnoy abnoy just before election?? just incase they won't win the government seat again?? reason why they impeached that late corona...all were planned

    ReplyDelete
  3. KASABWAT mga AQUINO appointees sa SC.#KALAMPAGIN ang PET
    Nakakabingi ang katahimikan ng SC sa patuloy na pambabalewala ni LUGAW sa mga utos ng PET.Binabastos sila ni Lugaw, pero ayos lang! Inipit ni Sereno si BBM, ginawa lahat para tumupad, anong dahilan at di pa simulan ang proceedings? #BBM THE REAL VP ELECT ✌

    ReplyDelete
  4. KASABWAT mga AQUINO appointees sa SC.#KALAMPAGIN ang PET
    Nakakabingi ang katahimikan ng SC sa patuloy na pambabalewala ni LUGAW sa mga utos ng PET.Binabastos sila ni Lugaw, pero ayos lang! Inipit ni Sereno si BBM, ginawa lahat para tumupad, anong dahilan at di pa simulan ang proceedings? #BBM THE REAL VP ELECT ✌

    ReplyDelete