April 21, 2017
Kani-kanina ko lamang nakita ang video sa CNN
Philippines ng isang abugado ni Leni Robredo na dumedepensa sa kaniyang HINDI
PAGBAYAD ng kaniyang counter-protest fee laban kay Bongbong Marcos na bawal sa
kaniya ang tumanggap ng donasyon para dito.
Kung ganun, WALA PALANG NAKAHANDANG PERA si
Leni para sa kaniyang kontra protesta. Dahil kung mayroon, dapat ay
nakapagbayad siya tulad ni Bongbong ng first installment at hindi na kailangang
mabanggit man lang ng kaniyang abugado ang salitang donasyon.
Puwes, BAKIT PA NAGSAMPA NG KONTRA-PROTESTA
si Leni kung wala pala siyang pambayad o sapat na pambayad? Pinipilit nig kampo
ni Leni na HINDI NILA DINE-DELAY ang pagusad ng protesta ni Bongbong. Kunbg
ganoon, ano ang rason niya sa paghaion ng kontra protesta, KAHIT WALA SIYANG
HANDANG PAMBAYAD O SAPAT NA PAMBAYAD?
At ito ang MAS NAKAKATAKOT, mga kababayan: Kung hindi iaatras ni Leni ang kontra protesta
niya at dumating ang oras na kailangan na niyang magbayad ng recount fee
talaga, SAAN SIYA KUKUHA NG PERA?
Huwag nating kalimutan, mga kababayan: Si
Leni mismo ang nagsabi na noon pa na HINDI SIYA MAYAMAN bilang isang
indibidwal. Bawal din sa kaniya ang tumanggap ng donasyon para sa akniyang
kontra-protesta. Kaya SAAN SIYA KUKUHA NG PAMBAYAD? Ng P8 milyon bilang paunang
installment at mahigit P7 milyon bilang kabuuan?
Kung walang maipapakitang dokumento si Leni
na pinagkakakitaan niya ng EXTRA NA MILYUN-MILYON buwan-buwan, tanging ang
P500-milyong PONDO NG OFFICE OF THE VICE-PRESIDENT na lamang ang may access at
control si Leni. Ano ang garantiya ng Sambayanan na HINDI GAGAMITIN ITO ni Lenis
a kaniyang kontra-protesta? 30
Kung gagamitin niya ang pundo ng Office of the VP, problema na niya yon. dahil alam niya ang batas , abogado siya db?
ReplyDelete