Monday, April 10, 2017

LUGING-LUGI NA TAYO KAY LENI!


Image result for images of leni robredo with bongbong marcos



April 10, 2017

Tanggapin man o hindi ninuman. LUGING-LUGI na tayong Sambayanan kay Leni Robredo.

Tuluy-tuloy ang PAGBIYAHE ni Leni sa iba-ibang lugar at bansa, kung saan South Africa ang pinakahuli, gamit ang pondo ng Office of the Vice-President na MULA SA ATING MGA BUWIS at iba pang binabayaran sa pamahalaan. Pero HANGGANG ngayon, WALA siyang maipakita KAHIT ISANG KABUTIHANG IBINUNGA ng mga lakad niya para sa Sambayanang Pilipino. Ni WALANG MALINAW na pakay na makakatulong sa bansa ang anumang naging mga lakad niya  Itama ako ninuman kung mali ako.

DOBLE-LUGI na tayo actually kay Leni dahil WALA pa ring MALINAW na ebidensiya si Leni na MALINIS ang kaniyang naging panalo noong 2016 elections. Humigit-kumulang sa 20,000 pahina at piraso ng ebidensiya ang isinama ni Bongbong Marcos sa kanyang protesta laban kay Leni.  Bukod pa rito ang SARI-SARI AT SOBRA-SOBRANG NAKAKADUDANG mga nangyari na kaugnay ng protesta. Sa lahat ng mga pangyayaring iyon, tulad ng paggamnit ng Smartmatic ng mga server n a kahit ang Comelec ay hindi alam at ang pagkakaroon ng data ng mga SD card na hindi kuno nagamt noong eleksiyon, WALANG AKSIYON ANG COMELEC.

At ang PINAKA-MASAKIT, HINDI PA rin nagtatakda ng preliminary conference hanggang ngayon ang Korte Suprema o Presidential Electoral Tribunal (PET) para masimulan na ang proseso sa pagdinig sa protesta ni Bongbong. May apila si Leni pero WALA pa ring itinatakdang petsa ang PET kung kalian didinggin ang apela.  Pero noong si Leila de Lima ang humngi ng oral arguments nang siya ay arestuhin, ORA MISMO ay nag-schedule NG ORAL ARGUMENTS ang Korte Suprema.

Sa madaling salita, mga kababayan, MAGDUSA TAYO ng WALANG HANGGAN sa paggastos kay Leni kahit na walang MALINAW NA BASEHAN NA DAPAT NGA NATIN SIYANG GASTUSAN.  Maghintay tayo na parang pulubi kung kalian maisipan ni lead Justice Alfredo Caguioa na aksiyunan na ang protesta ni Bongbong. Kaht na tayo ang LUGING LUGI, ANG AGRABYADO at hindi si Leni o ang sinumang ba.30

Mayroon pa kayang KAHIHIYAN ang mga ito?30


No comments:

Post a Comment