Thursday, April 6, 2017

KABOBOHANG SCRIPT NI TRILLANES!

Image result for antonio trillanes








April 07. 2017

Ayaw din lang tumigil ni Antonio Trillanes IV sa hindi pa niya mapatunayang P2 bilyong tagong yaman kuno ni Pangulong Digong Duterte, LIWANAGIN NATIN NG HUSTO ANG LAHAT bago siya may maloko sa hamon at drama niya.

Una: HANGGANG NGAYON, WALA pang naipapaklitang ebidensiya si Trillanes na sinertipikahan nang TUTOO O HINDI PEKE, AT NAPASAKAMAY NIYA SA LEGAL NA PARAAN. Kaya’t wala ring dahilan para BUMABA SA LEVEL NIYA ang Pangulo para patulan ang isang bagay na ni HINDI MAPATUNAYAN ng dumadaldal tngkol dito na hindi bunga ng paglabag sa batas.

Pangalawa: Si Trillanes ang nagakusa kaya SIYA ANG DAPAT MAGPATUNAY, at MAGLABAS NG EBIDENSIYA. Kung wala din lang siyang ebidensiya, lalong hindi porke wala siyang tigil sa pagiingay ay obligado na si Digong na TULUNGAN SIYANG MALIWANAGAN ang mga bintang niya. Pangatlo: Nang tanggihan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang request niya na ilabas ang bank records ni Digong, dinerecha siya nito na iyon ay LABAG SA BANK SECRECY LAW. Pero dahil may press statement na si Digong noon na naguutos sa AMLC na ibulgar ang kanyang bank records, ang Pangulo pa rin ang buong kakapalan ng mukhang sinisi ni Trillanes, sinabihang nagtatago sa teknikalidad at tinawag pang sinungaling.

NO ONE IS ABOVE THE LAW. Not even the President, or a senator, or anyone else.

Sa college pa lang ay tinuturo na ito. IMPOSIBLENG HINDI ITO ALAM ni Trilanes, lalo pa’t senador siyang natruringan. Kaya’t kahit na inutos na ni Digong, NATURAL NA HINDI pa rin gagawin ng AMLC. HINDI PA NASISIRAAN NG BAIT ang AMLC na gagawa ng labag sa batas para mapagbigyan lamang ang kahilingan niya. Trillanes. Ngayon, kung may maipapakitang batas si Trillanes na nagsasabing legal ang request niya dahil may press statement na si Digong tungkol dito, bakit hindi niya banatan at batikusin ang AMLC, kung hindi niya SINISIRAAN  lamang si Digong? Bakit ang Pangulo pa rin ang masama?

Isa pa, AMLC ANG TUMANGGI sa kagustuhan ni Trillanes, tapos si Digong ang sinungaling?  PAANONG NAGING SINUNGALING ANG PANGULO? Welcome dumepensa ang snumang panatiko ni Trillanes na HINDI ITO KABOBOHAN, O PANLOLOKONG PANGANGATWIRAN. Panghuli, ilang buwan nang putak ng putak si Trillanes at SINISIGURADONG may tagong yaman si Digong. Pero HANGGANG NGAYON, HIND MAPATUNAYAN. At kung talagang sigurado siya tulad ng pinagyayabang nya, HINDI RIN NIYA MAKASUHAN ang Pangulo tungkol dito.


Dapat nang gisingin ninuman si Trillanes  mula sa kaniyang bangungot na SALITA NIYA LAMANG AY SAPAT NANG PANIWALAAN, LALO PA KUNG UULIT-ULTIN NIYA. 30

1 comment:

  1. WALA EH KAHIT ISANG COMMENT WALA...WALA LANG...WALANG PUMAPANSIN...KULANG SA PANSIN. PARANG AWA NYO NA MAG COMMENT NAAN KAYO PARA NAMAN GANAHAN SI TRILLANES.

    ReplyDelete