Hindi pa man nananalo bilang presidente ay lumalabas na ang pagkakaroon ng UTAK DIKTADOR ni Sen. Grace Poe. Ayon sa isang ulat sa tribune.net.ph, isinumpa ni Poe na PAIIMBESTIGAHAN NYA ang mga nag-file na ng disqualification cases laban sa kaniya upang mabatid nya kung sino ang nasa likod, o mga nasa likod, ng mga ito.
Ano ang ibig sabihin ni Poe, BAWAL siyang kasuhan ng marami? Bakit, dahil siya ang nangunguna sa mga survey sa pagka-pangulo? Itama ako ninuman kung mali ako pero kahit hindi ako abugado, mangangahas akong sabihin na WALANG BATAS na nagtatakda ng limitasyon sa dami ng reklamo na pwedeng isampa laban sa isang nangungunang kandidato. Isa pa, bata pa ako ay natutunan ko na sa kolehiyo na iimbestigahan lamang ang isang tao kung may nagawa ito, o ginagawa, na mukhang labag sa batas.
Pakisagot lang ng kampo ni Poe: ANO ANG ILEGAL SA PAGSASAMPA NG REKLAMO LABAN KAY SENADORA? Lalo pa’t may mga pinagbasehang batas at ilang pirasong ebidensiya ang mga nagreklamo? Ipagpalagay na nating lumabas bandang huli na may kaugnayan nga sa kung sinumang kalaban niya sa pagka-pangulo ang sinuman sa mga nag-file ng disqualification cases. MAY ILEGAL BA DOON? Ang alam kong illegal ay kung SISIRAIN MO ANG KARANGALAN ng isang tao sa pagsasampa ng kaso laban sa kaniya ng wala kang kahit na anong katibayan. Iyon ang masama.
Sa naging hakbang na ito ni Poe, LALO LAMANG NIYANG IPINAKITA NA HINDI PA SIYA PUWEDENG maging Pangulo ng bansa. Bukod sa mentalidad ng isang diktador, ipinakita mismo ni Poe na BASIC NA BASIC na proseso sa batas ay HINDI NIYA ALAM. At wala siyang pakialam. Basta’t gagawin niya o sasabihin niya ang gusto niya. Di lalo na kung sya ang mananalo sa 2016. 30
sige nga.Tingnan natin ang mangyari...
ReplyDelete