Thursday, October 29, 2015

MANMANAN NATIN SI GRACE POE!

Oct. 29, 21015

MANMANAN nating mabuti si presidential bet Sen. Grace Poe, mga kababayan.  NAKAKADUDA ang BIGLAAN AT SOBRANG LUWAG na inaabot niya mga disqualification cases na kinakaharap niya.

SINUSPINDE ng Comelec ang pagdinig sa mga  kaso niya. May isang elemento umano ang kahalintulad na kasong isinampa naman sa Senate Electoral Tribunal (SETt) na makakaimpluwensiya diumano sa magiging desisyon nila.  Sinundan agad ito ng pagbibigay ng SET ng EXTENSION O PALUGIT kay Poe  sa pagsusumite ng resulta ng kaniyang DNA test. Bakit NAKAKADUDA?

Nakamit nI Poe ang mga kaluwagang ito MATAPOS BIGLANG NATIGIL ang halos LINGGO-LINGGONG paglalabas ng mga survey kuno ng SWS at Pulse Asia na pangalawa na si Liberal Party presidential bet Mar Roxas sa labanan. NAWALA ang pagiging pangalawa ni Mar, sinundan naman agad ng LUWAG kay Poe.  Nagkataon lamang? Bahala na kayong humusga, mga kababayan. At bago kumontra ang mga panatiko ni Mar na kinakalaban naman nito si Poe, HUWAG din nilang kalimutan na WALA na sa gobyerno si Mar at HINDI SIYA ang big  boss ng kaniyang kampanya.

Idagdag pa sa mga  nakakaduda ang KAWALAN  ng mga ulat ng detalyadong paliwanag kung bakit  HINDI PA MAISUMITE ni Poe ang resulta ng kaniyang DNA test. Basta na lang humingi siya ng extension, at pinagbigyan naman.  Ang Comelec naman, nagpahayag na maglalabas sila ng SARILI nilang desisyon sa mga kaso ni Poe sa Disyembre. Puwes, bakit kailangan pang itigil muna ang kanilang  pagdinig sa mga kaso, kung HINDI NILA IBABASE TALAGA sa magiging desisyon ng SET ang kanilang hatol?


Tiyak na EAR-TO-EAR ang ngiti ni Poe ngayon. Maliban sa nakatakdang pagkwestiyon sa kaniya ng Comelec sa Lunes, WALANG ISTORBO sa kaniyang kampanya hanggang  Disyembre. Iyun ay kung magdedesisyon na nga ang Comelec sa mga kaso niya. WALANG ISTORBO. 30

No comments:

Post a Comment