Friday, October 23, 2015

PNOY’S DOUBLE TALK, HYPOCRISY ON CORRUPTION!

Oct. 23, 2015

Instead of admirable humility, PNoy showed DOUBLE-TALK AND HYPOCRISY when he admitted early today in a forum with semiconductor and electronics industry leaders in Muntinlupa that “there are some agencies that have so much rooted corruption in them” despite his supposed efforts  to fight this.

DOUBLE-TALK O DOBLE KARA na salita sapagkat malinaw na tinangka ni PNoy na palabasin na kahit paano ay TAPAT o honest siya sa pagamin ng pananatili ng corruption. Subalit HINDI NAMAN NIYA PINANGALANAN ang mga ahensiyang sinasabi niya.  WALA rin siyang binigay na anumang detalye, tulad ng pangalan ng mga sangkot at gaano kalala ang corruption sa mga ito.  Pero kapag mga diumano’y corruption ng mga kalaban niya sa pulitika, KUMPLETO SIYA NG DETALYE kapag siya ang nagsalita tungkol dito.

PNoy assured that his administration's anti-corruption campaign will not spare ANYONE, including his allies. He cited as proof stories in today’s papers that some of his political allies have been punished by the Ombudsman. Here’s the HYPOCRISY:

May mga kaso na ng katiwalian na nakasampa laban kina Budget Sec. Florencio Abad at Agriculture Sec. Proceso Alcala. BILYUN-BILYONG PISO ang halagang pinaguusapan sa mga ito. Pero KAHIT KAILAN, HINDI SINUSPINDE ni Pnoy ang dalawa. Hindi rin nya pinagbakasyon man lang ang mga ito, o inatasan ang Ombudsman na bigyang prioridad ang imbestigasyon ng mga kaso. At itama ako ninuman kung mali ako, HINDI PINATAWAG KAHIT KAILAN ng Ombudsman si Abad o si Alcala para imbestigaan. Marami na ring reklamo ng katiwalian tungkol sa pagpapatakbo ng MRT-3 pero KAHIT KAILAN, HINDI NATINAG O INIMBESTIGAHAN man lamang si Transportation Sec. Joseph Emilio Abaya. IYAN BA ANG WALANG SASANTUHIN, KAHIT NA MGA BATA NIYA?

Tandaan ninyo, mga kababayan, paulit-ulit na sinasabi ni PNoy noon na kung walang korap, walang mahirap. At sa ‘daang matuwid’, bawal ang katiwalian. Kaya’t dapat maipagpatuloy ang ‘daang matuwid’ sa isang taon pagbaba niya sa piwesto. PAPAYAG BA TAYO? 30

No comments:

Post a Comment