Oct.
28, 2015
Si
Mar Roxas ang UNANG-UNANG DAPAT IMBESTIGAHAN s krisis sa traffic at miserableng
serbisyo at kalagayan ng MRT-3.SOYA MUNA, bago ang sino pa man.
INAMIN
mismo ni Roxas sa media forum na pinangunahan ng TV5 sa Mandaluyong kamakailan
na LUMALA ang problema sa traffic sa nakalipas na lImang taon ng Aquino
Administration. Si Roxas ang hinirang na Department of Transportation and
Communications (DOTC) secretary noong 2011. Humigit-kumulang sa isang taon siyang
naging DOTC secretary bago siya nalipat
sa Department of Interior and Local Government (DILG) noong 2012. Kaya’t dapat
malaman kay Roxas kung ANO ANG GINAWA NIYA, IYON AY KUNG MERON NGA, para
MAAGAPAN ang dinaranas natin ngayong krisis at kalbaryo sa trapiko at sa MRT.
Kung mayroon ay ano ito at an ang naging
resulta? Mayroon ba siyang nasimulan at kahit isang programa man lamang o
proyekto? Ano ang naging resulta?
Binanggit
ni Roxas na may mga malalaking kalsadang sabay-sabay na ginagawa ngayon para
maibsan ang trapiko, kagaya nang isang elevated na daan mula South Luzon
Expressway papunta sa North Luzon Expressway. Pero HINDI NA NIYA PINALIWANAG
kung bakit NGAYON LANG GINAGAWA ang mga ito, kung kalian eleksyon na sa isang
taon at kandidato siya. Maliban sa isa sa mga kalsada na sinasabi niyang siya
ang nagsaulong, WALANG SINABI si Mar na malaking papel na kaniyang ginampanan
sa pagpapagawa ng mga ito.
At
tulad ni PNoy, sinisi ni Mar sa forum ang Administrasyong Arroyo sa mga
problema ngayon ng MRT. Maanomalya diumano ang kontrata ng dating
adminiistrasyon sa mga pribadong nagmamayari ng MRT. Pero isang bahagi lang ng
kontrata ang nilahad niya. WALA NANG IBA PANG DETALYE. PINAGAARALAN pa raw ng
pamahalaan kung paano maayos ito. LIMANG TAON NANG PINAGAARALAN, MGA KABABAYAN.
Kaya’t
kung sa trapiko at MRT pa lamang ay WALANG MAIPAKITANG NAGAWA o naiambag na
solusyon si Mar, bilang DOTC o DILG secretary man, WALANG MATINONG DAHILAN para
pagtiwalaan siya ng iba pang problema ng
bansa bilang Pangulo sa 2016. Puwedeng sumagot kahit sino. Siguruhin lang na
may detalye at hindi puro mura lang o insulto para HINDI KO IDELETE.30
No comments:
Post a Comment