Tuesday, October 27, 2015

PINALALAKAS LAMANG NI PNOY SI BONGBONG!


Oct. 27, 2015

Naiisip niya man o hindi, PINALALAKAS lamang ni PNoy ang kandidatura ni Sen. Bongbong Marcos sa PAULIT-ULIT niyang pagsasabi na dapat mag-sorry ito sa mga ginawa kuno ng ama nito at dating Pangulo na si Ferdinand noong Martial Law. At ang NAKAKATAWA NA NAKAKAAWA pa kay PNoy, SINISIRA niya ang sarili niyang kredibilidadsa ginagawa niya.

Tanggapin man ni PNoy o hindi, BINIBIGYAN lamang niya ng karagdagang publisidad si Bongbong. Sa ayaw niya’t sa gusto, DIREKTA NIYANG PINAPAALALA sa Sambayanang Pilipino na kandidato nga pala si Bongbong sa darating na eleksyon sanhi ng paulit-ulit niyang pagbanggit ng apelyido na Marcos. At dahil sa WALA SIYANG BUKAMBIBIG kundi ang Martial Lawi at ang dapat na pag-sorry ng mga Marcos, PINAKIKITA ni PNoy na WALANG ANUMANG PROBLEMA OI USAPIN kay Bongbong MISMO para huwag itong iboto bilang bise-presidente sa isang taon.

Sinabi ko na sa aking post noong Okt. 22 at ullitin ko na naman, HINDI KO PINAPANIGAN si Bongbong. Pero MALIBAN SA KANIYANG SALITA, WALANG MAIPAKITANG PISIKAL NA EBIDENSIYA si PNoy na si Bongbng mismo ang  gumawa o nagutos ng anumang KAWALANGHIYAAN O BAGAY NA LABAG SA BATAS noong panahon ng Martial Law kaya dapat itong mag-sorry. HINDI DIYOS si PNoy na salita lamag niya ay sapat na at dapat BULAG NA PANIWALAAN NINUMAN. Hindi rin siya HUKOM na may kapangyarihang magsabi kung nagkasala ang isang tao sa batas o hindi. DIKTADOR LAMANG ang may ganitong klaseng pagiisip.

Demokrasya ang sistema ng ating gobyerno. Sa ayaw at sa gusto ni PNoy at ng kaniyang mga panatiko, sa ilalim ng ating batas ay EBIDENSIYA ang basehan upang masabing nagkasala ang isang tao, HINDI ANG SALITA LAMANG NINUMAN kaht na siya ang Pangulo ng bansa. Kaya’t ang nangyayari, PINAGMUMUKHA NI PNOY NA INTRIGERONG SPOILED BRAT ang sarili niya. Harinawa ay maisip niya ito. 

Kaya  hindi na natahimik ang bansa natin. Isa pa, hindsi ba si Rep. Leni Robredo ang kandidato ni PNoy sa pagka bise-presidente? 30


10 comments:

  1. takot na takot na c panot kasi alam nya sure win na kasi c bongbong. kaya yan lang ang tanging magagawa

    ReplyDelete
  2. Tama ang post Mo ipinakikita Lang ni noynoy na pikon na pikon siya dahil. Makababalik Si Bongbong Sa politics. Dahil Sa. Kapalpakan niya

    ReplyDelete
  3. Leadership by example. Kanino pa magmamana si Pnoy di sa kanyang mga magulang. Kala mo sakdal linis ng pamilyang yan.

    ReplyDelete
  4. Marcos pa rin! Siraan man ng hinayupak na mangmang na abnoy na makakumyunista at teroridtang yan.

    ReplyDelete
  5. true...no evidence...so proganda again and again

    ReplyDelete