Monday, October 26, 2015

FOLLOW CEBU, BAN CHURCH CAMPAIGNING!

Oct. 26, 2015

I hope sincerely hope ALL ARCHDIOCESES and religions/sects nationwide will follow this VERY TIMELY AND APPROPRIATE MOVE by the Archdiocese of Cebu as soon as possible.

A story in interaksyon.com says the Cebu archdiocese has issued a circular prohibiting politicians from conducting campaign activities in church premises. The guidelines issued by Cebu Archbishop Jose Palma include a ban on political speeches during any part of the mass, introduction of candidates before, during, and after mass and possession of campaign materials, such as placards and streamers in the church and its premises and rallies inside the church or chapel. Politicians and their supporters can wear their party shirts. But priests must beg off from having their pictures taken with candidates to avoid misconceptions of partisanship. Allow me to add few suggestions, ladies and gentlemen:

Bawal din ang pamimigay ng mga leaflets, posters at souvenirs ng mga kandidato sa mga papasok o palabas ng simbahan, naglalakad man o nakasasakyan. Sinumang gstong mamigay ng mga ito ay 50 metro pataas ang layo mula sa simbahan.

Bawal mangampanya sa salita sa loob ng simbahan, kahit na hindi pa nagsisimula ang misa, at sa labas, yung mismong kandidato man o ang mga taga-suporta. Bawal din ang pagkuha ng litrato, camera man o cellular phone ang gamit sa loob at labas ng simbahan. Kung hihingan ng plataporma o mga plano ang kandidato ng mga nagsisimba, magalang niya itong yayayain sa isang lugar 50 metro pataas ang layo mula sa smbahan. Higit sa lahat.  At maliban na lamang kung buhay o kamatayan o kaligtasan ng nakararami ang nakataya, HINDI DAPAT TUMANGGAP ng anumang donasyon ang simbahan mula sa sinumang kandidato. At kung mangyari ang ganitong pagkakataon, dapat na MALINAW agad sa kandidato na WALA SIYANG DAPAT ASAHANG ANUMANG BOTONG KAPALIT ng kaniyang pagmamagandang loob. Dapat ding ipagbigay alam agad ng simbahan sa arsobispong nakakasakop sa kanila ang pagtanggap ng donasyon.


Huwag sanang kalimutan ng mga kandidato: HINDI KASAMA ANG SIMBAHAN, ANG TAHANAN NG DIYOS, sa eleksyon. Tanging ang Panginoon lamang ang may karapatang gamitin o ipagamit ang simbahan ayon sa kaniyang kagustuhan at para sa ating kabutihan HINDI AYON SA KAGUSTUHAN O INTERES NG SINUMANG INDIBIDWAL.  WALANG EXCEPTION. WALA KAILANMAN. 30

2 comments:

  1. Tama Catholic church must learn from their past mistake by cuddling the Aquinos without analizing. Researching. Their family history ....

    ReplyDelete