Oct.
31, 2015
Mukhang
napalusutan si PNoy ni Department of Transportation and Communications (DOTC)
Secretary at acting Liberal Party (LP) president Joseph Emilio Abaya sa
MAANOMALYANG P4.25-bilyong transaksyon para sa tatlong taong ehabilitasyon ng
MRT-3 ng Busan Transport Corp, ng Korea.
Ayon
sa isang balita sa tribune.net.ph, nabulgar na pinasok nI Abaya ang naturang
deal ng WALANG BIDDING. Samantalang kahit hindi abugadong katulad ko ay alam na
sa ilalim ng batas, basta’t ganung kalaking halaga na ay DAPAT IDAAN SA BIDDING
ang anumang transaksyon. Pero heto ang kapansin-pansin, mga kababayan: Sa
pagkakataong ito ay HINDI PINAGTANGGOL ng Malacanang ang transakyon, at si
Abaya. Kung noon ay AGAD na dinidepensa ng Malacanang ang mga Cabinet members
at government officials sa kanilang mga proyekto, ngayon ay IPINAPASA nila sa
Liberal Party (LP) ang pagpapaliwanag tungkol sa rehabilitasyon. Apat na
Pilipinong partners ng Busan ang nauugnay sa LP.
Isa
pa, kahit hindi pinagtanggol si Abaya ng Malacanang ay WALA RING SINABI si
Presidential Communications chief Sonny Coloma na anumang posibleng aksyon na
maaaring gawin ni PNoy sa DOTC. Kahit na PAGPALIWANAGIN man lamang si Abaya.
Kaya
TUTUKAN natin ang usaping ito, mga kababayan. NILABAG ni Abaya ang batas sa
hindi nito pagsasagawa ng bidding para sa rehablitasyon ng MRT-3. Ayon sa balia
sa tribune.net.ph, INILIHIM pa umano ni Abaya ang negosasyon. Kung
talagang ‘tuwid na daan’ AT KONTRA
KATIWALiAN ang PNoy Government, AGAD nllang PAIIMBESTIGAHAN AT SUSUSPENDIHIN SI
ABAYA. Kung walang gagawing aksyon si PNoy, wala na ring dapat ipagduda na
LOKOHAN lamang ang ‘tuwdi na daan. 30
sapagkat ang mga ka partido ay mahalaga sa parating na ELECTION
ReplyDelete