Wednesday, October 28, 2015

SI PNOY DAPAT MAG-SORRY, DI SI BONGBONG!


Oct. 29, 2015

Kung naniniwala sa demokrasya at hindi MGA UTAK DIKTADOR ang mga nagpupumilit na dapat mag-sorry si Sen. Bong Bong Marcos sa mga  nangyari o nagawa kuno ng kaniyang ama noong Martial Law, si PNoy ang SABIHAN NINYONG MAG-APOLOGIZE. Sa demokrasyang tulad ng bansa natin, EBIDENSIYA AT HINDI SALITA LAMANG ang basehan ng anumang usapin. At mas MAY EBIDENISYA laban kay PNOy kesa kay Bong Bong.

Una: Mismong si Budget Sec. Butch Abad ang UMAMIN NA INAPROBAHAN ni PNoy ang Disbursement Acceleration Program (DAP), na kinalaunan ay may mga bahaging IDINEKLARANG ILEGAL ang Korte Suprema. PNoy ALLOWED DAP TO HAPPEN. Pero sa haliip na mag-sorry, personal at NANGGIGIGIL pa niyang  pinagtanggol ang DAP. Nagsalita pa siya na hangga’t maaari, ayaw niyang MAGKABANGGA ang Korte Suprema at ang Executive Branch ng gobyerno.

Pangalawa: INAMIN ni PNoy na kahit SUSPENDIDO na ang noo’y PNP chief na si Alan Purisima, ITO PA RIN ANG GINAMIT niya sa pagdesisyon sa naging operasyon ng PNP-Special Action Force (SAF) sa Mamasapano noong Enero. Resulta: 44 NA SAF COMMANDOES ang minasaker. Nagorry ba si PNoy sa mga naulila, sa PNP o sa Sambayanan? HINDI! Iatama ako ninuman kung mali ako. Pangatlo: Ilang araw pa lamang ay INAMIN din ni PNoy sa isang pagtitipon ng mga semiconductor at electronics industry leaders na HANGGANG NGAYON, THERE IS SO MUCH CORRUPTION in some government agencies. Ibig sabihin, HINDI NIYA NATUPAD iyung kaniyang slogan noong kumakampanya pa lang siya na ‘Kung walang corrupt, walang mahirap.!

Pangapat: Magda-dalawang taon na nang wasakin ni super typhoon ‘Yolanda’ ang hindi mabilang na mga tahanan at iba ang gusali sa Leyte at iba pag bahagi ng Kabisayaan. Pero hanggang ngayon, humigit-kumulang na 16,000 PA LAMANG sa MAHIGIT  200,000 tirahang pinangako ng gobyerno n PNoy para sa  mga biktima ang naitayo na. Ilan pa lamang ito.  MGA PAGAMIN MISMO NI PNOY at ni Abad. Super bagal na konstruksyon na KITA NG LAHAT sa Leyte at mag lugar na sinalanta ni ‘Yolanda.’

Kaya kung hindi kayo mga IPOKRITO AT IPOKRITA na nagpupumilit mag-sorry si Bong Bong, BAKIT HINDI NINYO MASABIHAN SI PNOY NA MAG-SORRY? HINDI DIYOS si PNOy na hindi nagkakamali. Kaya kung sasabihin ninyong WALANG MALI sa DAP, kay Purisima’t sa Mamasapano, sa hanggang ngayo’y korapsyon sa mga government agencies, maglabas di kayo ng BATAS o anumang regulasyon na nagsasabing HINDI NAGKAKAMALI SI PNOY at lahat ng gawin niya ay tama. Kung waa kayong mailalabas, sana ay may KAHIHIYAN PA KAYO KAHIT KATITING sa PAGBUBULAG-BULAGAN AT PAGBIBINGI-BINGIHAN NINYO.  

Tulad ng sinabi n Bong Bong, MAGLABAS KAYO NG EBIDENSIYA na may nagawa siyang labag sa batas – nagpapatay o pumatay ba siya, nang-rape, o iba pa. WALA NANG MARAMING DALDAL. Kung wala, ISARA na lang ninyo MGA BIBIG NINYO. Maliban na lamang kung lika skayong mga PALENGKERO O PALENGKERA. 30


No comments:

Post a Comment