Sunday, October 25, 2015

NASAAN ANG NARATING NG ‘TUWID NA DAAN,’ MAR?

Oct. 26, 2015

Kay Mar Roxas:  Pakilabas o paliwanag, please ang sinabi sa Tarlac First Baptist Church sa Tarlac City na malayo na ang narating at marami na ang napagtagumpayan ng ‘tuwid na daan’ nitong nakaraang limang taon. Paliwanag na may detalye, please, at hindi puro numero lamang gaya ng bilang ng diumano’y pangalan at tirahan o lokasyon ng mga nakinabang ng anumang proyekto o gawain.

Kung proyekto, bukod sa kahit ilang pangalan ng mga nakinabang, pakibanggit ang eksaktong pangalan at lokasyon nito, para kanino at para saan, kalian sinimulan at gaano katagal bago natapos at magkano ang eksaktong nagastos at nasaan ang mga papeles ng gastusin.  Higit sa lahat, pakilinaw kung ang proyekto ay ORIHINAL NA IDEA NG GOBYERNO NINYO O PINAGPATULOY AT TINAPOS LAMANG NINYO mula sa kung saan mang nakaraang administrasyon. Dahil kung HINDI NINYO ORIHINAL NA PROYEKTO, HINDI TAMA na sabihin mong PRUWEBA ITO ng malayo na ninyong narating.

Para mas lalo pang madaling maindintihan ng lahat, pakibanggit Mar kung saan na nakaratig ang ‘tuwid na daan’ ninyo sa mga problema ng sambayanan gaya ng mga sumusunod:  KAKULANGAN NG TRABAHO; MATAAS NA PRESYO NG MGA PANGUNAHING BILIHIN, KURYENTE, GASOLINA AT IBA PANG PRODUKTONG PETROLYO AT EDUKASYON. Ilang ulit nang naiulat na hindi bababa sa 10 milyon ang walang trabaho. Bukod pa rito ang mga underemployed. Ang tuition naman at iba pang gastusin sa pagpapaaral ay TULUY-TULOY NA TUMATAAS taon-taon. Hindi ito maikakaila nnuman. Ilang beses na ring napabalita ang malaki pang kakulangan sa mga classroom, lalo pa sa mga tinamaan ni sujper typhoon ‘Yolanda.’ At kahit na bumababa paminsan-minsan ng IILANG SENTIMO ang presyo ng ilang pangunahing bilihin, kuryente at gasolina, kapag kinuwenta ang nabawas ay MAS MALIIT pa rin sa itataas.

Kung sa hustisya naman, HINDI RIN NINYO MASASABING PRUWEBA ng malayo ninyong narrating ang pagkakakulong nina dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo at Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada. Ilang taon na silang nakakulong subalit HANGGANG NGAYON, WALA PANG NAPAPATUNAYANG KAHIT NA ANO laban sa kanila. Wala ring linaw hanggang ngayon ang laban para sa katarungan sa pag-massacre ng SAF 44. Kung laban naman sa corruption, ilang linggo pa lamang ang nakakaraan nang makasuhan ang ilang kaalyado ninyo hinggil sa pork barrel scam tulad ni dating TESDA  head Joel Villanueva.  May mga kaso na rin laban kina Budget Sec. Butch Abad at Agriculture Sec. Proceso Alcala. Pero WALANG NABABALITANG UMUUSAD na ang mga ito.  Kahit kalian, N HINDI NASUSPINDE ang mga ito o nakwestiyon.  Kaya pakilinaw lang mabuti, Mar, ang sinasabi mong malayo na ninyong narrating, sa ‘tuwid na daan.’ 30


No comments:

Post a Comment