Tuesday, October 17, 2017

SINO TINAKOT N’YO, PISTON?

Related image

17 Oct. 2017

Nagbanta si PISTON jeepney drivers’ organization president George San Mateo na buwan-buwan silang magwe-welga hanggang hindi sila Kinakausap ni Pangulong Digong Duterte tungkol sa pagtutol nila sa jeepney modernization program.

SINO TINAKOT N’YO SA AKALA NINYO, George?

HNDI LANG KAYO ang organisaasyon ng mga jeepney driver sa Metro Manila at sa buong bansa. MARAMI PA. At tulad ng pinakita sa TV news kaninia, maraming jeepney drivers ang PUMASADA AT HINDI SUMALI sa welga ninyo kanina. Idagdag pa sa mga ito ang libu-libong mga bus at taxi, ang siraing MRT at LRT, Grab at UBER. Pati na mga colorum na FX vans at carpooling ng mga de-kotseng magkakaibigan. Sa madaling salita, MAWALA MAN KAYONG PISTON SA KALSADA ay may MASASAKYAN pa rin ang mga commuter.at makakarating sa kanilang paroroonan.

Kaya TUMAHIMIK KA SA KADADALDAL, George. Hindi mo kayang pakabahin ang mga commuter o ang buong sambayanan, lalong lalo na si Pangulong Digong, sa pananakot mo. Maliban sa maaating mahuli sa trabaho o sa iskuwela ang mga commuter, hindi mapipilay o titigil ang buhay namin kung mawawala kayong PISTON sa kalsada.

Makipagusap ka na lang ng MAHINAHON AT MASINSINAN sa gobyerno kung gusto mo. Otherwise, HINDI KA NAKAKATAKOT. Tandaan mo!

Ipopost ko rin itong blog na ito sa FB page ng forumphilippines, kasama ng iba ko pang sinulat.. https://www.facebook.com/pg/nemesioantoniojr/posts/?ref=page_internal. 30

No comments:

Post a Comment