22 Oct.2017
Sa tanggapin o hindi nina Antonio Trillanes,
Risa Hontiveros at ng mga kakosa nila sa anti-Duterte army, ang PAGBIYHAHE AT
PAGDALDAL NILA sa Amerika para doon banatan si Pangulong Digong ay PAGAMIN NA
NILA NA WALA na silang kredibilidad dito kaya’t mga taga-ibang bansa naman ang
tatargeitn nila.
Mga taga-ibang bansa na HINDI NAKIKITA AT
NADIDINIG ANG MGA TUNAY NA NANGYAYARI dito sa ating bansa. Na WALANG NAKIKITA
AT NADIDINIG KUNDI sila at anumang sabihin nila na IPINAGYAYABANG NILANG TUNAY
NA KATOTOHANAN.
Kung sa tingin nila Trillanes, Hontiveros at
ng mga kakosa nila ay marami-rami pa ang mga naniniwala sa kanila dito sa
Pilipinas ay HINDI NA SILA MAGPAPAGOD na bumiyahe pa para lamang magsalita sa
kung saan-saan. Kahit na pera ng
sambayanan ang ginagastos nila at hindi sarili nila. Piso manalo isang libo,
sabay na magringinan sa social media ang tribo nila Trillanes at Hontiveros at
ang mga taga-suporta ni Panglong Digong at tiyak na DOBLE-DOBLE ang dami ng mga
banat sa dalawa at mga kakampi nila kesa kay Duterte.
Sa mga kababayan natin sa ibang bansa, lalo
na sa Emrika, Europa at Middle East, HUWAG BASTA MANINIWALA sa anumang sabihin
ng mga anti-Duterte. HANAPAN SILA NG EBIDENSIYA ng anumang ibabanat nila bago
kayo maniwala. Makibalita rin muna kayo sa mga kapamilya, kamaganak at kaibigan
ninyong nandito pa sa Pilipinas. HINDI AUTOMATIC na porke sina Trillanes,
Hontveros o sinuman sa grupo nila ang nagsabi ay iyon na ang tutoo.
Kumontra na ang kokontra. Ipopost ko rin ito
sa forumphilippines FB page. Just type forumphilippines, then search. 30
No comments:
Post a Comment