22 Oct. 2017
Ilabas mo ang LAHAT ng katibayan ng posibleng
pandaraya kay Bongbong Marcos o LUMAYAS KA NA SA COMELEC, Andres ‘Andy’ Bautista.
Mas makapal na sa ADOBE ang mukha mo at WALA KA NANG ANUMANG KAHIHIYAN sa
katawan kung hindi mo gagawin ang anuman sa mga ito.
TATLO ang pangunahing katibayan ng posibleng
pandaraya kay Bongbong na HINDI
INILALABAS NI BAUTISTA HANGGANG NGAYON, MAHIGITISANG TAON matapos ang eleksiyon
noong Mayo 2016 – ang scipt ng transparency server na PINAKIALAMAN NG
SMARTMATIC NG WALANG PAHINTULOT ang Comelec, ang mahigit 30 SD cards na MAY
LAMANG DATA pero nauna nang dineklara ng Comelec na hindi nagamit noong halalan
at ang mga kagamitan sa halalan na sakop ng protesta ni Bongbong laban kay Leni
Robredo na NABAGSAKAN NG KISAME sa bodega ng Comelec.
Kung talagang HINDI DINAYA SI BONGBONG tulad
ng pinipilit ni Bautista, pati na ni Robredo, BAKIT HINDI MAILABAS o MAIPALABAS
ni Andy bilang Comelec chairman ang mga ito? Ang mga NILALAMAN ng mga binanggit
kong katibayan ay MAKAPAGPAPATUNAY kung sino ang talagang nanalo bilang
bise-presidente. Kung walang ILEGAL/ANOMALYA sa mga nilalaman, walang matinong
dahilan para HUWAG IPAKITA ni Andy ang mga ito sa sambayanan.
Pero bukod sa BINABALE-WALA ni Andy ang mga
usaping ito HANGGANG NGAYON, AYAW niya pang LUMAYAS sa Comelec kahit na
nag-resign na siya. Hanggang Disyembre
31 pa ang gusto niyang panunungkulan.
Kaya WALA TAYONG GARANTIYA, mga kababayan, na
WALANG GAGAWING KATARANTADUHAN sa mga
posibleng ebidensiya ng pandaraya kay Bongbong.
Wala tayong katiyakan na HINDI BABABUYIN ang ating mga boto at ang KATOTOHANAN!
Huwag na huwag ninyong kalimutan, WALANG ANUMANG GARANTIYA na binibigay si Andy
HANGGANG NGAYON na ligtas sa mga MAGNANAKAW O MANDARAYA ang mga balota at iba
pang gamit na sakop ng protesta ni Bongbong laban kay Leni. WALA! 30
No comments:
Post a Comment