18 Oct. 2018
Kung mayroong ‘unli call/text promo ang mga
celfone company, may dinaranas naman tayong ‘UNLI LUGI’ kay Leni Robredo.
UNLI LUGI dahil HANGGANG NGAYON, buwis natin
ang sinusweldo mula at ginagastos ni Leni sa Office of the Vice-President.
DAAN-DAANG MILYONG BUWIS NA NATIN. Pero hanggang ngayon, WALA PA RING LINAW
KUNG KAILAN natin malalaman kung talaga bang malinis ang panalo niya o dahil
iyon sa PANDARAYA.
Itama ako ninuman kung mali ako pero HANGGANG
NGAYON, WALA paring itinatakda ang Presidential Electoral Tribunal (PET) kung kalian
sisimulan ang recount ng mga balota na sakop ng protesta ni Bongbong Marcos
laban kay Leni. Ilang buwan na ang nakakaraan nang aprubahan ng PET ang recount
pero ni walang nababalitang meeting sa pagitan ng kampo ni Bongbong, kampo ni
Leni at ng PET kung kalian at paano sisimulang
kolektahiin ang mga balota. WALA pa ring nababalita kung KAILAN
sisimulan ng PET ang hearing ng protesta ni Bongbong.
At tulad ng nasabi ko na sa mga nakaraan kong
sinulat, WALA ring ibinibigay na dahilanang PET kung BAKIT ganito kahit na
inaprubahan na nila ang recount at kumpleto na ang lahat ng ebidensiya at mga
requiurement na hningi nila kay Bongbong.
Walang binibigay na dahilan ang PET kung
bakit NAPAKALIIT NA PRIORIDAD ang binibigay nila sa protesta ni Bongbong. Pero
TULUY-TULOY ang paggastos ni Leni sa PINAGHIRAPAN NATING BUWIS. Ang matindi pa,
PAGGASTOS NA WALA NAMAN TAYONG MAKITANG nagawa na niya.
Masyado na tayong agrabyado. At huwag
magkalimutan, para sa kapakanan ng taumabayan ang PET.30
No comments:
Post a Comment