Thursday, October 19, 2017

DELIKADO PANG MADAYA SI BONGBONG!

Image result for images of bongbong marcos

19 Oct. 2017

Hangga’t hindi sinisimulan ang recount at hindi pinakukuha ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang lahat ng mga kagamitan noong eleksiyon at mga balotang sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Lein Robredo, DELIKADO PA RING MADAYA si Bonghbong.

Una: MAAARING MANAKAW ang mga balota. Pangalawa: Maaaring MAPALITAN ang mga balota. Pangatlo: Baka MASUHULAN ang sinumang may access o mismong nagingat ng mga balota upang magawa ninuman ang anumang illegal na bagay sa mga ito. Pangapat: Baka MASUHULAN ang sinumang may kaugnayan sa recount na makapagpapatunay sa katotohanan. Panglima: Baka MAGLAHONG  PARANG BULA ang mga kagamitan, tulad ng transparency server na matapos MAY BAGUHIN ANG SMARTMATIC NG WALANG PAHINTULOT sa script nito ay NAGLAHO ang halos isang milyong lamang ni Bongbong kay Leni sa magdamang lamang.

Huwag nating kalilimutan, mga kababayan, PET man o Comelec ay WALANG BINIBIGAY NA GARANTIYA hanggang ngayon sa seguridad ng mga balota at kagamitan, na makakaasa tayong HINDI MANANAKAW O MAPAPAKIALAMAN O MAGLALAHO ang mga ito ninumnan. WALA. Itama ako ninuman kung mali ako.

At tulad ng sinulat ko sa nakaraan na blog, hindi pa rin itinatakda ng PET at walang indikasyon man lamang kung kalian ang simula ng recount. MAGMANMAN tayong mabuti, mga kababayan. Ipakita at iparinig natin sa PET na HINDI KAILANMAN TAYO MAKAKALIMOT O MALULUNOD sa press releases ni Leni o ninuman. 30


No comments:

Post a Comment