Sunday, October 1, 2017

PUSHERS ANG PATIGILIN NINYO, HINDI SI DIGONG

Image result for images of duterte

(This is a repost. PInost ko ito mga 3 weeks ago pero na-block agad after a few groups.)

Sa mga kontra drug war ni Pangulong Dutere, sagutin nga ninyo ito: Marami na ring PINATAY NA MGA PULIS at iba pang alagad ng batas, pati na mga inosenteng sibilyan, ang mga pusher/drug lord at mga addict. BAKIT MULA’T SAPUL, HINDI NINYO MAGAWANG PATIGILIN ang mga  ito sa pagbebenta ng droga? Hindi ninyo magawang banatan, murahin o insultuhin. KUMIKITA BA KAYO sa mga drug lords at pushers? O pusher din kayo o mga adik? Iyong nagsasakripisyo at lumalaban sa droga, na SIYANG SALOT AT PROBLEMA, PIPI kayong lahat na WALANG MASABI. Kumbaga, okay lang sa inyo na tuluy-tuloy lang ang pagbebenta at pagkakalat ng droga. Wala kayong reklamo, wala kayong nakikita o nadidinig.

Pero iyong mga nilalabanan  ang droga para mabawasan, kundi man mawala ng tuluyan, ang mga krimen  na dulot nito, daig ninyo ang manok o baboy na kinakatay sa walang tigil ninyong kapuputak, kakadaldal. Droga na kahit MGA ANAK, ASAWA, KAPATID, KAMAG-ANAK o kaibigan ninyo ay puwedeng perwisyuhin. Kaya sige nga, BAKIT HINDI NINYO PINAPANSIN ang walang tigil ana bentahan ng droga, at ang mga pusher/drug lord? At kung manlaban ang pusher o drug lord pag aarestuhin, ano pala ang dapat gawinb ng pulis? Tumakbo, magtago, magmakaawa sa babaril, huwag na lang kumilos at hintaying tumama ang bala sa numang parte ng katawan nila, ganun ba?

Kung ititgil ang drug war at BABAHA ng droga at dadami ng isang katerba ang mga krimen kaugnay nito, sino sisisihin ninyo? Kung maging adik ang mga anak ninyo, asawa, kapatid o iba pang kapamilya, o patayin o gahasain  o saktan/pagnakawan ng mga adik at pusher, sino sisihin ninyo? Si Digong pa rin?  PNP pa rin? Sigur naman ay may kahihiyan pa kayong natitira sa katawan. Sino ang dapat managot? Handa ba kayong pakulong dahil kayo ang agresibong nagpapatigil ng giyera kontra droga?

At panghuli, HALOS LAHAT, kundi man LAHAT NG PATAYAN ay giyera kontra na agad ang dahilan para sa inyo. WALA NA KAYONG TANONG-TANONG. Maglabas nga kayo ng ANUMANG EBIDENSIYA, para mapatunayan nnyo. Ebidensiyang MAGPAPATUNAY na mas marami sa mga napatay sa drug war ay hindi talaga nanlaban. Dahil  ULTIMO iyong mga pulitkong parang sirang plaka sa pagkondena sa anti-drug war, WALANG NILALABAS NA ANUMANG KATIBAYAN hanggang ngayon. PURO DALDAL, PURO REACTION SA PRESS RELEASE, PURO MEDIA lang pero KAHIT ISANG SARILING EBIDENSIYA, WALA.  


Kung HINDI NINYO KAYANG BANATAN ang mga drug pusher/drug lord, WALA KAYONG MORAL NA KARAPATAN para ipatigil ang giyera kontra droga. Hindi sapat na ebidensiya ang WALANG PRUWEBANG AKUSASYON O OPINYON ng sinumang pulitiko, pare o madre o eksperto KUNO. Gaano mang kadami  ang kanilang mga press release. PUMAREHAS KAYO O SARA NINYO BUNGANGA NINO. 30

No comments:

Post a Comment