Thursday, February 23, 2017

MAGULANG, ABUSADA, AT IPOKRITA SI DE LIMA!

Feb. 24, 2017
MAGULANG, ABUSADA, AT IPOKRITA SI DE LIMA!


Sa halip na magpakumbaba, SAKSAKAN pa ng GULANG, ABUSADA, at IPOKRITA PA si Leila de Lima sa pagaresto sa kaniya.

SIya na nga ang aarestuhin, siya pa ang NAGDIKTA kung kailan niya gustong maaresto at saan. Sa halip na kagabI pagkatapos lumabas ang warrant of arrest para sa kaniya mula sa Muntinupa City Regional Trial Court, ngayong umaga niya gusto maaresto. At ayaw niya sa bahay niya. Gusto niya, sa Senado.

Dalawang abugado ang kinonsulta ko bago ko sinulat ito. Pareho nilang sinabi na ang warrant of arrest ay dapat na MAISERVE AGAD, AS IN AGAD, sa oras na hawak na ng mga awtorfidad. SAAN MANG LUGAR NAROROON ang aarestuhin. Bilang abogada, sinabi ng mga kinonsulta ko na ALAM NA ALAM NI DE LIMA IYUN. Pero ano ang ginawa ni De Lima….TUMAKBO papunta sa Senado nang may MAGTIP SA KANIYA papunta na ang mga aaresto sa kaniya sa bahay niya.  

At kung hindi ba naman siya ipokrita, ngayon nagrereklamo siya na masyadong minadali ang paglalabas ng arrest warrant laban sa kaniya. Pero noong siya ang Justice secretary noong si Noynoy Aquino ang presidente, kinasuhan ng gobyerno noon si dating Pangulo Gloria Macapagfal-Arroyo (GMA) ng electoral sabotage.  Isinampa ang kaso ng tanghali o matapos ang tanghalian sa Pasay City Regional Trial Court. Hindi ko l;ang matandaan kung kalian. Makaraan ang humigit-kumulang sa DALAWANG ORAS LAMANG, may arraest warrant na. NOON DING GABING IYON, INIHAIN KAY AT INARESTO si GMA sa ospital na kaniyang kinalalagyan.

Idagdag pa sa lahat ng ito ang mga naunang press release ni De Lma kung saan buong tapang niyang sinabi na  handa na siyang maging unang political prisoner sa ilalim ng Duterte Government  at nakapagimpake na siya at handa nang makulong. Tapos, kung kalian may warrant na, SABAY TAKBO mula sa bahay niya papunta sa Senado.

Sa pamamagitan ng SARILI niyang mga kilos, LUMALABAS NA ANG TUNAY NA KULAY ni De lima. 30

No comments:

Post a Comment