Friday, February 3, 2017

MGA KABABAYAN, PRO-BBM, BASAHIN NINYO ITO!


Feb. 03, 2017
MGA KABABAYAN, PRO-BBM, BASAHIN NINYO ITO!

Mga kababayan, basahin ninyo ito! Huwag kayong kukurap. Baka magmilagro bigla sa petisyon ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo.  

In a story in gmanews.tv, Robredo was quoted as saying in the TV program News To Go that:  “Naniniwala ako na pag na-desisyunan na yung kaso, fair and square, wala kaming kailangan ikatakot.”
                                    
Kung matatandaan ninyo, humigit-kumulang sa dalawang lingo bago mageleksiyon ay biglang nag-number 1 si Leni sa surveys. Kahit na WALA ni isang malaking grupong nagendorso sa kaniya noon at KAHIT MINSAN, HINDI SIYA NANGUNA. Isa o dalawang araw makaraan, SINIGURADO NA ni Leni ang panalo niya bilang bise-presidente sa kabila ng lahat ng ito. Na siya ngang nangyari.

Ngayon, biglang-bigla, KUMPIYANSA si Leni na mananalo siya laban sa  protesta ni Bongbong.. Kahit mula’t sapul, WALA siyang masabi o maipakitang ebidensiya si Leni na HINDI SIYA NANDAYA, KONTRA sa humigit-kumulang 20,000 piraso at pahinang ebidensiya ng dayaan ni Bongbong. Kahit na hanggang ngayon siya, pati na ang Comelec, ay WALANG MAISAGOT O MAIBIGAY NA PALIWANAG SA MARAMING SENYALES NG DAYAAN na isa-isa nang lumalabas. Gaya halimbawa ng  mga SD cards na iniulat na HINDI NAGAMIT pero nakitaan ng laman; pagbabago na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server ng WALANG PAALAM noong lumamang na si Bongbong ng halos isang milyong boto kay Leni, at AYAW IPAKITA hanggang ngayon ng Comelec; PAGAMIN ng Smartmatic sa paggamit nila ng iba pang servers na kahit sa Comelec ay HINDI NILA PINAALAM at iba pa.

Saan mang anggulo tingnan, WALANG BASEHAN si Leni para maging kumpiyansa. Pero BIGLANG-BIGLA, nakukuha niya pang  magsabi ngayon ng  wala siyang dapat ikatakot.
WALANG KUKURAP, MGA KABABAYAN. Baka tulad ng dati, NATULOG LANG TAYO, PANALO NA SI LENI PAGKAGISING NATIN.30

No comments:

Post a Comment