Feb. 04, 2017
HINDI SI MACALINTAL, O SI LENI, ANG BATAS!
Kaya MAGKALIWANAGAN TAYO: HINDI OBLIGADO ang
kampo ni Bongbong na tanggapin ang anumang hamon ni Macalintal. Dahil HINDI SI
MACALINTAL, O SI LENI, ANG BATAS O ANG KORTE SUPREMA, na umaaktong Presidential
Electoral Tribunal (PET). Kung WALA din
lang batas na nagsasabi na dapat sundin o tuparin ang anumang sabihin ni
Macalintal o ni Leni dahil sa Office of the Vice-President sila, lalong hindi
bawal na huwag silang pansinin. Kaya kung mayroon mang GUMIGIMIK SA MEDIA, SI MACALINTAL
at si Leni lang.
Nasa PET na ang protesta ni Bongbong. PITONG
BUWAN na doon. Anuman ang dapat mangyari
kaugnay ng protesta, PET NA LAMANG ang may KAPANGYARIHAN AT KARAPATAN NA
MAGUTOS O MAGDIKTA. Hindi si Macalintal o si Leni.
May petisyon na si Bongbong sa PET na
magsagawa na sana AGAD ng preliminary conference para sa kaniyang protesta
bilang PANIMULA NG PROSESO para dito. Kaya sa halip na gumimik o magpa-pogi sina Leni at Macalintal
sa media, SEGUNDAHAN O GAYAHIN nila si Bongbong. Para MAGKAALAMAN NA TALAGA NG
KATOTOHANAN. Para makita na kung sino ang SINUNGALING AT HINDI. Kung talagang
WALANG DAYAAN na nangyari para manalo si Leni, WALA ring dapat maging problema
para AYAWAN nila ang anumang ikabibilis ng proseso. 30
No comments:
Post a Comment