Thursday, February 2, 2017

GANITO TAYO NILOLOKO PARA KAY LENI!


Feb. 03, 2017
GANITO TAYO NILOLOKO PARA KAY LENI!

Kitang kita na kung paano tayo NILOLOKO, kung paano tayo GUSTONG PAIKUTIN ng kung sinuman, para MALUNOD sa utak natin ang protesta ni Bongbong Marcos laban sa kaniya habang DESPERADO SIYANG ‘PINAGAGANDA.’ PINABABANGO sa paningin ng madla.

Kung mapapansin ninyo, ARAW-ARAW as in araw-araw may press release si Leni. Halos lahat, kundi man LAHAT, ng issues SINASAKYAN. Kahit na nagmumukha na siyang TANGA AT SINUNGALING kung minsan, BALE-WALA sa kaniya. Basta kaulangan, nasa media siya araw-araw, lalo pa’t si Bongbong ay tahimik na naghihintay lang ng simula ng TAMANG PROSESO para sa protesta niya.  Ngayon paano tayo NILOLOKO?

Habang NILULUNOD TAYO ni Leni sa press release, araw-araw na PILIT ISINASAKSAK sa isip natin na siya ang bise-presidente ng bansa. Kahit na WALA SIYANG MALINAW NA MAISAGOT sa maraming senyales ng posibleng dayaan noong eleksiyon. Basta siya ang bise-presidente, tapos. Lalo pa at ni HINDI NATITINAG at WALANG ANUMANG INDIKASYON  man lamang mula sa Supreme Court, na umaakto ring Presidential Electoral Tribunal (PET) kung kalian nila sisimulan ang trial para sa protesta. Kahit na hindi na maikalia sa social media ang SOBRANG PAGKAINIP ng sambayanan.  

Kaya habang araw-araw nating nakikita ang pagmumukha ni Leni sa media at hindi sinisimulan at dinedesisyunan ang protesta ni Bongbong, pilit na kinokondisyon ang utak natin na LEHITIMO siyang bise-presidente. Hanggang sa mainip o malimutan natin na mayroon nga palang protesta si Bongbong, at may mga senyales ng dayaan na hindi pa rin maipaliwanag hindi lang ni Leniu kundi pati ng Comelec.  

GANITO NA KAGRABE, AT KAWALANGHIYA, ang nangyayari. M,gha kababayan. Walang kukurap. Walang MAGPAPALOKO. 30

2 comments:

  1. i will not ever recognize her as our VP until the decision of SC favor on her..

    ReplyDelete
  2. Ever wanted to get free Instagram Likes?
    Did you know that you can get these AUTOMATICALLY AND TOTALLY FOR FREE by using You Like Hits?

    ReplyDelete