Saturday, October 21, 2017

PAGAMIN NG KAWALAN NG KREDIBILIDAD!


Image result for images of antonio trillanes and risa hontiveros






22 Oct.2017

Sa tanggapin o hindi nina Antonio Trillanes, Risa Hontiveros at ng mga kakosa nila sa anti-Duterte army, ang PAGBIYHAHE AT PAGDALDAL NILA sa Amerika para doon banatan si Pangulong Digong ay PAGAMIN NA NILA NA WALA na silang kredibilidad dito kaya’t mga taga-ibang bansa naman ang tatargeitn nila.

Mga taga-ibang bansa na HINDI NAKIKITA AT NADIDINIG ANG MGA TUNAY NA NANGYAYARI dito sa ating bansa. Na WALANG NAKIKITA AT NADIDINIG KUNDI sila at anumang sabihin nila na IPINAGYAYABANG NILANG TUNAY NA KATOTOHANAN.

Kung sa tingin nila Trillanes, Hontiveros at ng mga kakosa nila ay marami-rami pa ang mga naniniwala sa kanila dito sa Pilipinas ay HINDI NA SILA MAGPAPAGOD na bumiyahe pa para lamang magsalita sa kung saan-saan.  Kahit na pera ng sambayanan ang ginagastos nila at hindi sarili nila. Piso manalo isang libo, sabay na magringinan sa social media ang tribo nila Trillanes at Hontiveros at ang mga taga-suporta ni Panglong Digong at tiyak na DOBLE-DOBLE ang dami ng mga banat sa dalawa at mga kakampi nila kesa kay Duterte.

Sa mga kababayan natin sa ibang bansa, lalo na sa Emrika, Europa at Middle East, HUWAG BASTA MANINIWALA sa anumang sabihin ng mga anti-Duterte. HANAPAN SILA NG EBIDENSIYA ng anumang ibabanat nila bago kayo maniwala. Makibalita rin muna kayo sa mga kapamilya, kamaganak at kaibigan ninyong nandito pa sa Pilipinas. HINDI AUTOMATIC na porke sina Trillanes, Hontveros o sinuman sa grupo nila ang nagsabi ay iyon na ang tutoo.


Kumontra na ang kokontra. Ipopost ko rin ito sa forumphilippines FB page. Just type forumphilippines, then search. 30

No comments:

Post a Comment