Sunday, October 22, 2017

ILABAS MO MGA EBIDENSYA O LUMAYAS KA!


Image result for images of andres bautista





22 Oct. 2017

Ilabas mo ang LAHAT ng katibayan ng posibleng pandaraya kay Bongbong Marcos o LUMAYAS KA NA SA COMELEC, Andres ‘Andy’ Bautista. Mas makapal na sa ADOBE ang mukha mo at WALA KA NANG ANUMANG KAHIHIYAN sa katawan kung hindi mo gagawin ang anuman sa mga ito.

TATLO ang pangunahing katibayan ng posibleng pandaraya kay Bongbong  na HINDI INILALABAS NI BAUTISTA HANGGANG NGAYON, MAHIGITISANG TAON matapos ang eleksiyon noong Mayo 2016 – ang scipt ng transparency server na PINAKIALAMAN NG SMARTMATIC NG WALANG PAHINTULOT ang Comelec, ang mahigit 30 SD cards na MAY LAMANG DATA pero nauna nang dineklara ng Comelec na hindi nagamit noong halalan at ang mga kagamitan sa halalan na sakop ng protesta ni Bongbong laban kay Leni Robredo na NABAGSAKAN NG KISAME sa bodega ng Comelec.

Kung talagang HINDI DINAYA SI BONGBONG tulad ng pinipilit ni Bautista, pati na ni Robredo, BAKIT HINDI MAILABAS o MAIPALABAS ni Andy bilang Comelec chairman ang mga ito? Ang mga NILALAMAN ng mga binanggit kong katibayan ay MAKAPAGPAPATUNAY kung sino ang talagang nanalo bilang bise-presidente. Kung walang ILEGAL/ANOMALYA sa mga nilalaman, walang matinong dahilan para HUWAG IPAKITA ni Andy ang mga ito sa sambayanan.

Pero bukod sa BINABALE-WALA ni Andy ang mga usaping ito HANGGANG NGAYON, AYAW niya pang LUMAYAS sa Comelec kahit na nag-resign na siya.  Hanggang Disyembre 31 pa ang gusto niyang panunungkulan.

Kaya WALA TAYONG GARANTIYA, mga kababayan, na  WALANG GAGAWING KATARANTADUHAN sa mga posibleng ebidensiya  ng pandaraya kay Bongbong. Wala tayong katiyakan na HINDI BABABUYIN ang ating mga boto at ang KATOTOHANAN! Huwag na huwag ninyong kalimutan, WALANG ANUMANG GARANTIYA na binibigay si Andy HANGGANG NGAYON na ligtas sa mga MAGNANAKAW O MANDARAYA ang mga balota at iba pang gamit na sakop ng protesta ni Bongbong laban kay Leni. WALA!  30


No comments:

Post a Comment