Monday, June 11, 2018

OPORTUNISTA SI NINOY AQUINO!


Image result for images for ferdinand marcos with ninoy aquino

Sunod-sunod na ang mga social media post ng sari-saring papuri kay Ninoy Aquino. Kaya HUWAG MAGKALIMUTAN SA KATOTOHANANG ito: OPORTUNISTA si Ninoy.

Sintensiyado na si Ninoy noon ng kamatayan at nakakulong nang magkaroon siya ng problema sa kaniyang puso na maaari niyang ikamatay anumang oras. Kahit na numero unong kritiko siya ni noo’y Pangulong Ferdinand Marcos, ama ni Bongbong, agad na pinalaya si Ninoy matapos ang pagsusuri ng mga doctor at pinayagang madala sa Amerika para maoperahan at magamot.

Matagumpay ang naging operasyon at nakaligtas si Ninoy.  Natira siya sa Boston sa Massachusetts Hindi rin siya inobliga o pinuwersa na bumalik agad sa Pilipinas Pero sa halip na magpasalamat at manahimik muna, ano ang ginawa ni Ninoy?

Binatikos/inatake niya si Marcos sa bawat pagkakataon na makita niya. Itama ako ninuman kung mali ako pero wala akong natatandaan na pinasalamatan niya si Marcos ng taos-puso sa pagpapalaya sa kanita at sa pagpayag na madala siya sa Amerika.

HINDI KO sinasabing dapat ay nanahimik na si Ninoy ng lubusan noon bilang pagtanaw ng utang na loob kay Marcos. Pero dapat ay bumalik muna siya ng Pilipinas at dito siya bumanat ulit ng husto. Kung sasabihin naman na may censorship o news blackout o anuman kay Ninoy, maaari naman nyang nagawa iyon sa pamamagitan ng mga kaalyado niya. O kaya ay hindi na sana siya pumayag na palayain at sa kulungan na lang magpagamot.

Sa tanggapin o hindi ng pamilya ni Ninoy at ng mga kakampi nila, naging UTANG NI NINOY NOON ANG BUHAY NIYA kay Marcos.  Pero nang makaligtas at lumakas na siya, ATAKE ang isinukli niya. Kung may iba pang puwedeng itawag ditto bukod sa oportunista, siguruhin lang na may detalye ang kokontra. 30

  



3 comments:

  1. Sa kabila ng babala sa kanya na huwag umuwi dahil may intel report na siya ay papatayin, ay nagpumilit siya. Alam din niyang maaari din siyang ibalik sa kulungan dahil sentensyado siya ng military tribunal na mamatay sa firing squad. Ibig sabihin non, ang nagawa niya ay hindi kabayanihan kundi isang klase ng suicide o PAGPAPATIWAKAL!

    ReplyDelete
  2. AKO AY ISA SA MGA NAKINABANG SA MGA TULONG NI MARCOS NOONG KAPANAHONAN NI MARCOS HINDI MAHIRAP ANG BUHAY MAG-APPLY KA SA ABROAD WALANG PLACEMENT FEE BASTA MAIPASA MO YONG POSISYON MO NA INAPLAYAN ACTUAL TEST NANONOOD ANG EMPLOYER PASADO KA LIBRE LAHAT MAY MAIIWAN KA PA SA PAMILYA MO BAGO KA UMALIS GUSTO ADVANCE SALARY O APPLIANCES NAGULAT NGA ANG MGA KAPIT BAHAY KO DI PA NAKAKAALIS MAY T.V. NA KAAGAD KAMAI.

    ReplyDelete