Inakusahan
ng kampo ni Leni Robredo ang kampo ni Bongbong Marcos ng publicity stunt sa
pahayag nito ng alarma sa pagkakadiskubre ng mga balota at iba pang dokumento mula
sa Iloilo na nasa plastic container lang sa halip na official ballot boxes ng Comelec.
Sinabihan
ng isang abogado ni Robredo ang spokesman ni Bongbong na basahin muna ang report
ng mga taga-Comelec tungkol sa mga balota bago ito magpahayag ng alarma.
KAYO
ANG PUBLICITY STUNT, ROBREDO!
Sinagot
ko na ito sa isang blog ilang araw na ang nakakaraan. Heto ang link na
nagtataglay ng report na sinasabi ng Robredo camp-- https://www.philstar.com/headlines/2018/06/07/1822454/robredo-lawyer-tells-marcos-camp-read-ground-reports-claiming.
Ngayon, heto ang sagot ko sa istoryang
iyon sa aking blog ilang araw na ang
nakakaraan (http://forumphilippines.blogspot.com/2018/06/both-comelec-robredo-think-were-idiots.html
Una: BAKIT BUTAS ANG BUBONG ng
kinalalagyan ng mga balota? Bakit HINDI NAKATAGO ang mga balota sa MAS LIGTAS
na lugar? Kung ikakatwiran naman ng sinuman na nabutas na lamang ang bubong
matapos ilagay doon ang mga balota, DAPAT AY NIREPAIR AGAD IYON. Pero kung
papaniwalaan ang kuwento ng mga taga-Comelec na sinangayunan ng kampo ni
Robredo, MALIWANAG NA HINDI NAGAWA ang mga ito. Dahil binaha nga
daw.
Pangalawa: Kung
baha ang sumira diumano sa mga ballot box at mga balota, ibig sabihin ay HINDI
INIALIS ANG MGA ITO sa kinalalagyan. BAKIT at SINO ang hindi nagpatanggal? Kung
baha ang dahilan, ibig sabihin ay PINASOK NG TUBIG ang mga ballot box. Dalawa
lamang ang posibleng dahilan nito: MAY MGA BUTAS na iyong ballot box ( o kaya
ay BUKAS) o umabot ng MAS MATAAS pa sa ballot box ang baha, o pareho. Kaya’t
lalong MALINAW na HINDI AGAD INIALIS ang mga ito kaht na umuulan at bunabaha NA
KUNO. BAKIT?
Pangatlo:
Gaano ba kalaki ang butas KUNO ng bubong, at nagbaha sa loob ng warehouse na
kinalalagyan ng mga ballot box? At gaano ba katagal ang naging ulan na
nagresulta sa pagbaha? Kung kasinglaki ng dalawang hollow block ito, mas lalong
dapat KINUMPUNI AGAD. Bakit HINDI? Kung sasabihin namang maliit lang ang butas,
inabot ba ng isa, dalawa o tatlong oras ang ulan kaya bumaha ng napaka-lala na
kayang sirain ang mga ballot box?
Kumontra
na ang kokontra! 30
No comments:
Post a Comment