Tuesday, June 5, 2018

SIGNS NG DAYAAN, AYAW ILABAS NG COMELEC!


 

PAKAPALAN to the max na rin lang ang labanan sa PATULOY NA NEWS BLACKOUT sa recount ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo, HUWAG NATING KALIMUTAN ang Comelec. Kung sa recount ay mga EBIDENSIYA na ng dayaan ang nadiskubre, sa Comelec naman ay may mga signs o senyales ng DAYAAN na AYAW NILANG ILABAS HANGGANG NGAYON.

Unang-una na ang HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server. Huwag kalimutan ninuman, ilang oras lamang matapos ang pagbabagong iyon ay nalagpasan ni Robredo ANG MAHIGIT ISANG MILYONG LAMANG ni Bongbong at siya na ang nanguna hanggang sa matapos ang bilangan.

WALA ring naging paliwanag ang Comelec sa paggamit ng Smartmatic ng iba pang server na HINDI PINAALAM SA KANILA. Gayundin sa NILALAMAN ng mahigit 30 SD cards na nauna nang dineklara ng Comelec na HINDI NAGAMIT noong 2016 elections. Hindi nagamit kuno pero may lamang data.

Nandiyan din ang mga kagamitan sa eleksiyon na sakop ng protesta ni Bongbong na nabagsakan ng kisame sa isang warehouse sa Laguna. WALANG ANUMANG NAGING REPORT O PALIWANAG ang Comelec tungkol dito, lalo na sa kung ano-ano ANG NILALAMANG DATA ng mga nasira.

Higit sa lahat, WALANG ANUMANG NAIULAT NA AKSIYON ang Comelec sa mga naging reklamo ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa ilang lugar sa Mindanao. Si Bongbong ang binoto nila pero nang magbilangan na, ZERO o walang boto si Bongbong. Saan daw napunta ang mga boto nila?

Itama ako ninuman kung may mali ako. Kung wala, GANIYAN KALAWAK ang WALANGHIYAANG NANGYAYARI, mga kababayan! 30




No comments:

Post a Comment