Friday, June 8, 2018

MAHIYA NAMAN KAYO SA DOJ CAGUIOA, COMELEC!


Image result for images for alfredo caguioa

Kay Bongbong Marcos protest lead justice Alfredo Benjamin Caguioa at sa Comelec: MAHIYA NAMAN KAYO KAHIT-GAPATAK sa Department of Justice (DOJ).  Pati na sa taumbayan.

NAGDESISYON na ang DOJ na sampahan ng kasong kriminal ang mga tao ng Comelec at Smartmatic na may kinalaman sa HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server noong gabi ng 2016 elections.

Pero kayong dalawa, Caguioa at Comelec, WALANG AKSIYON KAHIT ISA sa mga reklamo ng pandararaya at anomalya ni Bongbong Marcos at ng iba pa mula pa noong matapos ang eleksiyon HANGGANG NGAYON  Lalo pa ngayon na   marami nang pruweba ng dayaan na nadiskubre mula sa Camarines Sur at Iloilo. Itama ako ninuman kung mali ako. Ilang halimbawa:

ILANG ARAW PA LAMANG matapos mabulgar ang hindi awtorisadong pagbabago ng Smartmatic sa transparency server script ay hiniling na ni Bongbong  na ipakita ito para maeksamin ng mga private sector experts. Binale-wala si Bongbong. Maraming mga miyembro ng  Iglesia ni Cristo mula sa ilang lugar sa Mindanao ang nagreklamo kung bakit zero ang score ni Bongbong samantalang siya ang ibinoto nila. Nabulgar din ang paggamit ng Smartmatic ng iba pang server na kahit sa Comelec ay hindi nila ipinaalam. Marami pang iba. Pero WALANG AKSIYON, AS IN WALA, ang Comelec.

Si Caguioa naman, SUNUD-SUNOD na ebidensiya na ng DAYAAN ANG NADISKUBRE sa mga ballot at ballot box mula sa Camarines Sur. At ang pinaka-huli nga ay mula sa Iloilo. Pero tulad ng nasabi ko na ng ilang beses, NI ISANG SALITA NG AKSIYON O REKOMENDASYON ay wala si Caguioa.

As in NONE, sa loob ng mahiugit isang taon nang ang protesta ni Bongbong ay hawak na ng Presidential Electoral Tribunal (PET). Kung titingnan mosi Caguioa ay parang walang nangyayaring kahayupan. Pero HUWAG  NATING KALIMUTAN, mga kababayan; TATLONG BESES NAPOSTPONE ang recount bago ito nasimulan.

Kung wala kayong anumang balak gawin para mas mapabilis na ang protesta ni  Bongbong laban kay Robredo,   LUMAYAS KA SA PET Caguioa at magresign na lang kayo ng sabay-sabay Comelec.
                                                                ***
Now in my page forumphilippines: Bakit Ngayon Ka Lang by Ogie Alcasid, Bato Sa Buhangin by the late Yolly Samson and Cinderella, The Way We Were by Barbra Streisand and Buhay ng Buhay Ko by Leah Navarro. Check them out, please, along with my other blogs. Just search for forumphilippiners, then enter. Thanks, always.30

2 comments:

  1. WHY KILL THE GOOZE THAT LAY THE GOLDEN EGGS.....

    ReplyDelete
  2. Just Tiis Bulag,Pipi, At Bingi! Inutil!!!😱

    ReplyDelete