Tuesday, June 12, 2018

2 DAHILAN NG RECOUNT NEWS BLACKOUT

Image result for images of ballot bovesfor recount in bongbong protest
THE RECOUNT AREA

Saang anggulo mang tingnan, DALAWA LAMANG ang psibleng dahilan kung bakit PATULOY ANG NEWS BLACKOUT sa mga nangyayari sa recount ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo.

Una: TULOY-TULOY na may nadidiskubreng DAYAAN O ANOMALYA sa mga balota. Pangalawa: TULOY-TULOY NANG NABABAWASAN ang lamang ni Robredo kay Bongbong. Alinman sa dalawang tio ang dahilan, o pareho, PAHIRAP NA NG PAHIRAP para kay Robredo na patunayan ang pinagpipilitan niyang malinis ang kaniyang panalo bilang bise-presidente.

Hanggang ngayon BULAG, PIPI AT BINGI ang mga namamahala ng recount sa hiling ng nakararami na magbigay na ng araw-araw na update sa mga nangyayari doon. WALANBGMAIBIGAY na katanggap-tangap na dahilan kung bakit HINDI DAPAT MALAMAN ng sambayanan ang nangyayari. At tulad ng ilang beses ko nang sinabi, kung WALANG KAWALANGHIYAANG DAPAT ITAGO O PROTEKTAHAN, WALANG ITATAGO sa sambayanan.

Kaya’t anuman ang mangayri sa paligid o sabihin ninuman,mga kababayan, huwag na hwuag tayong makakalimot na may recount na nagaganap at ITINATAGO ang mga nangyayari ditto sa atin. Patuloy tayong magusisa, magingay. Baka magkabiglaan na naman tulad noong 2016 na si Leni na ang nanalo.

SONGS OF FRIENDSHIP IN FORUMPHILIPPINES

Now in my Facebook page forumphilippines: Four songs about friendship. That’s What Friends Are For by Dionne Warwick, Elton John, Stevie Wonder and Gladys Knight; You’ve Got A Friend by James Taylor, Good Friend by Mary McGregor and Bridge Over Troubled Water by Simon and Garfunkel. Check them out, please, with my other blogs


No comments:

Post a Comment