Tuesday, June 12, 2018

MAXIMUM PROTECTION SA DAYAAN!



To the max na talaga ang proteksiyong binibigay sa mga NANDAYA para sa vice-presidential election noong 2016.

Halos isang linggo na nang desisyunan ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng criminal cases ang mga nasasangkot sa HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server noong gabi ng election.  

Pero HANGGANG NGAYON, WALA pa ring aksiyon na nababalitang ginawa ang Comelec sa mga tao nila at sa Smartmatic  na pinakakasuhan na ng DOJ. Huwag nating kalimutan, mga kababayan, na matapos iyon ay NAGLAHO ang isang milyong botong lamang ni Bongbong Marcos kay Leni Robredo sa loob lamang ng ILANG ORAS.

Walang nababalitang SINUSPINDE NA, O PINAGPAPALIWANAG MAN LAMANG ng Comelec, ang mga tao nilang kasama sa magiging demanda.  WALA ring nababalitang koordinasyon o aksiyon ang Comelec sa Smartmatic para masigurong HINDI TATAKAS.MAKAKATAKAS ang mga empleyado ng kumpanya na kasama rin sa kaso. As in, para sa Comelec WALANG NANGYARI AT WALANG MANGYAYARI.

Tandaan natin, mga kababayan, WALA RING ANUMANG AKSIYON na ginawa ang Comelec sa MGA signs ng dayaan na nabisto na mula pa noong isang taon at  magpahanggang ngayon,  sa Camarines Sur. Tinalakay ko na ang ilan sa mga ito sa blog kong https://forumphilippines.blogspot.com/2018/06/signs-ng-dayaan-ayaw-ilabas-ng-comelec.html.

Bago ang desisyon ng DOJ, mismong si Pangulong Digong Duterte ay nagtanong na rin kung ano an ang nangyayari sa recount ng mga boto na sakop ng protesta ni Bongbong laban kay Leni. WALA ring nabalitang anumang sagot ang Comnelec at ang supervising justice sa protesta ni Bongbong na si Alfredo Benjamin Caguioa, na appointee na Noynoy Aquino.

Sa lahat ng ito, WALA ring sagot o komento si Caguioa kahit isang salita. Higit sa lahat, tuloy ang NEWS BLACKOUT sa mga kaganapan sa recount. AT HINDI RIN ITO MAJUSTIFY hanggang ngayon ninuman.  Itama ako ninuman kung may mali sa mga sinabi ko. 30  




No comments:

Post a Comment