Friday, March 24, 2017

TALAGANG WALA NANG KAHIHIYAN SI LENI!

Image result for leni robredo


March 24, 2017

Si Leni Robredo na mismo ang nagpapakita na talagang WALA NA SIYANG KAHIHIYAN sa kaniyang desperado at MALA-TUKONG PAGKAKAKAPIT sa puwesto bilang bise-presidente kuno.

Speaking to supporters in Quezon City, Leni was quoted in a gmanews.tv story as saying: “Siguro kung hindi  (si Bongbong) Marcos ang kalaban natin, hindi naman ganito kagulo pero alam po natin na walang pagtanggap ng pagkatalo pero parang dinadamay ang buong bansa dahil ayaw lang tanggapin ang pagkatalo. “ Kung hindi ba naman bukod sa KAWALAN NG KAHIHIYAN AY TAGOS SA BUTONG KAKAPALAN NG MUKHA ITO:

Halots BINABALE-WALA na nga ang protesta ni Bongbong laban sa kaniya sa Presidential Electoral Tribunal (PET), NASIKMURA pa ni Leni na sabihing kung hindi ito ang nakalaban niya ay hindi ganitong kagulo. Hindi niya masabi kung anong gulo ang tinutukoy niya pero naatim ng koinsiyensiya ni Leni na sabihing pati buong bansa ay nadadamay dahil ayaw tumanggap ng pagkatalo si Bongoong.

WALANG NABABALITANG NAGPAPATAYAN na o walang nang tigil ang rumble ng mga kakampi ni Leni at ni Bongbong saan mang parte ng bansa.  Wala ring nauulat na nagsusunugan o nagsisiraan na ng mga ari-arian ng isa’t isa ang magkabilang panig saan man. Ni walang narereport na wala nang tigil ang debate o bangayan ng mga taga-suporta ni Bongbong at ni Leni. Kaya anong SAKSAKAN NG ITIM NA KASINUNGALINGAN AT TSISMIIS na naman itong pinagsasabi na naman ni Leni?

At huwag nating kalimutan, mga kababayan, HANGGANG NGAYON ay walang paliwanag ang sinuman sa mga KABABAGLAHAN na naganap mula pa noong unang gabi ng bilangan hanggang sa nagprotesta na si Bongbong – hindi awtorisadong pagbabago ng Smartmatic sa script ng transparency server, paggamit ng iba pang server ng Smartmatic na kahit sa Comelec ay hindi nila pinaalam, pagkakaroon ng laman ng mga SD card na nauna nang dineklara ng Comelec na hindi nagamitr noong halalan, pagbagsak ng bahagi ng kisame ng Comelec warehouse sa Laguna sa mga server at  iba pang kagamitan na sakop ng protesta ni Bongbong  at iba pa.

WALA pang aksiyon ang Comelec sa mga ito. Pero NAGAGAWA pang magreklamo ni Leni na ayaw tumanggap ng pagkatalo ni Bongbong. Sigurado ako, hindi pa nasisiraan ng bait si Bongbong.  At alam kaya ni Leni ang ibig sabihin ng kahihiyan?30




2 comments:

  1. nalu leni ang gulo ay naggagaling sa bunganga mo, yong taong sinisisi mo sa pagkagulo ay nananahimik, ikaw ang pasimuno ng anomang d pagkakaunawaan ngayon sa bansa, between you n the President isisi mo na naman kay BBM, ano ka ba naman, theres really wrong with your mentality, you need a professional help

    ReplyDelete
  2. Hay ngawa n nman c lugaw queen. Pinahiya mo ang bansa sa pagrereport ng mali. Wala kang mabuting naitutulong sa bansa kaya dapat kusa ka ng bumitaw sa pwesto dahil incompetent person ka. Walang alam

    ReplyDelete