Tuesday, March 21, 2017

BINABAON NA SA LIMOT SI BONGBONG!

Image result for bongbong marcos








March 21, 2017


BINABAON na sa limot ang protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo sa Korte Suprema, na umaakto ring Presidential Electoral Tribunal (PET).

Hanggang ngayon, WALA PA RING AKSIYON sa petisyon ni Bongbpng sa PET na magtakda na sila ng preliminary  conference para mapagusapan na ang mga ebidensiya at iba pang isyu para masimulan na ang  trial ng  protesta. Samantalang mismong ang PET rules na ang nagsasabi na dapat ay magtakda na agad sila ng preliminary conference matapos maisampa ang huling petisyon sa protesta, Noon pang Setyembre noong isang taon naihain ang huling petisyton. Hindi ko lang maalala kung kaninong kamp nanggaling.

Humigit-kumulang sa tatlong linggo na ang nakakaraan, nabalita na inapela raw ni Leni ang desisyon ng PET na ituloy ang pagdinig sa protesta ni Bongbong. Pero WALA pa ring balita na itinakda na AGAD ang PAGDINIG sa apela, kung mayroon man. PERO sa kaso ni Leila de Lima, dalawa o tatlong araw lamang matapos siyang dumulog sa Korte Suprema  ay AGAD, AS IN AGAD, na nagtakda ng petsa  para sa oral arguments.

Pag kay De Lima, na akusado sa isa sa PINAKA-MALUPIT na krimen sa lipunan, MAY AKSIYON AGAD. Pero para kay Bongbong, na may 20,000 PAHINA AT PIRASO NG EBIDENSIYA NA NADAYA SIYA noong eleksiyon sa pagka bise-presidente, maghintay siya kung kalian siya papansinin. MAS IMPORTANTE pa ang AKUSADO, KESA NAAGRABYADO.

Paalala lamang, mga kababayan, Hanggang ngayon, WALA PANG MALINAW NA PALIWANAG ang sinuman sa mga KWESTYONABLENG NAGANAP kaugnay ng panalo kuno ni Leni at nang maisampa na ang protesta ni Bongbong.  Kabilang dito ang hindi awtorisadong PAGBABAGO na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server noong unang gabi ng bilangan ng boto. Matapos ang pagbabagoing iyon ay naglaho ang halos ISANG MILYONG LAMANG ni Bongbong at tuluy-tuloy na lumamang si Leni hanggang sa matapos ang bilangan.

Nandiyan din ang PAGAMIN NG SMARTMATIC na gumamit sila ng IBA PANG SERVER na kahit sa Comleec ay HINDI NILA PINAALAM. At ang pagkakaroon ng laman ng mga SD cards na MISMONG COMELEC na ang nagsabi na hindi nagamit noong halalan. 30




No comments:

Post a Comment