March 29, 2017
BINALE-WALA NA, ININSULTO pa ni Leni Robredo
ang Philippine National Police (PNP) at ang nakararaming residente ng Metro
Manila kaugnay ng anti-drug war ng Duterte Government.
In a story in inquirer.net, Leni was quoted
as commenting on the deaths in relation to the war: “Naging masyadong mura na
‘yung buhay. Kahit sampu, isang daan, isang libo, one death is too many.”
Kaht isa lang ang napatay, para kay Leni,
SUMUSOBRA na ang PNP. Pero sa humigit-kumulang na 40 pulis na napatay na mula
nang umpisahan ni Pangujlong Digong ang giyera kontra droga, NI ISANG SALITA
walang masabi si Leni. Kahit isang salita ng PAPURI O PAKIKIRAMAY sa mga
naulila, WALA SIYANG PAKIALAM. Kahit na ang Sambayanang Pilipino ang iniligtas
ng mga nasawing pulis sa mga drug lord at pusher. Sambayanan na kasama maging mga mahal niya sa
buhay. Higit sa lahat, sigurado akong
HINDI LANG 7,000 ang mga addict at inosenteng sibilyan ang namatay na dahil sa droga o mga alagad ng
batas na PINATAY na ng mga drug lord at pusher. BAKIT HINDI MO MAGAWANG
MURAHIN, O BATIKUSIN MAN LAMANG, ang mga drug lord at pusher, Ms. Robredo? Slla
ang mga DEMONYO pero BULAG ka sa mga KADEMONYUHAN NILA. At yung mga lumalaban
sa kanila ang WALANG TIGIL MONG INAATAKE
AT BINABATIKOS. BAKIT?
Pero ang mas MALALA at malinaw na ebidensiya
ng KAWALANG- KONSiYENSIYA ni Leni, mga kababayan, LANTARAN PA NIYANG BINALE-WALA hindi lamang ang pakikibaka ng
PNP kontra droga kundi pati ang DAMDAMIN ng mas nakararami sa Metro Manila.
Nang hingan siya ng komento tungkol sa pinaka-bagong survey ng Pulse Asia na 81
porsiyento ng mga taga-Metro Manila ay nagsasabing mas ligtas ang pakiramdam
nila ngayon dahil sa giyera kontra droga, buong MAPANGINSULTONG sinagot ni Leni na:
“Tingin ko kasi nasasabi
nila ‘yan kasi wala pang nabibiktima sa sariling pamilya nila. Pero pakinggan
natin ang families ng victims, talagang frustrating.”
Kumbaga, para na ring sinabi ni Leni na MAKASARILI at makitid ang
isip ng 81 porsiyento ng mga taga Metro Manila. Sarili lamang ang tinitingnan
ng mga ito. Hindi na inisip ang mga pamillya o mahal sa buhay ng mga napatay sa
anti-drug war sa pagpapahayag na pakiramadam nila ay mas ligtas sila
ngayon.
Porke kontra sa takbo ng isip mo, Ms. Robredo, pagiisipan mo na
ng dahil wala pang nabibiktima sa sarfili nilang pamilya. HINDI KA REYNA ng
Pilipinas na dapat sangayunan ng sambayanan ang anumang sabihin o iniisip mo.
Lalong HINDI KA DIYOS na salita mo lamang ay sapat na upang paniwalaan at
sundin. Magpatingin ka AGAD AS IN AGAD SA PSYCHIATRIST kung ganiyan ang takbo
ng utak mo.
Masdan ninyo, mga kababayan, kung ano ang ginagawa ni Leni sa buwis
at mga bayarin natin sa gobyerno na
SINUSUWELDO AT GINAGASTOS NIYA. 30
No comments:
Post a Comment