Wednesday, March 22, 2017

KADEMONYUHAN NG MGA KONTRA SA DRUG WAR!

Image result for PHILIPPINE ANTI-DRUG WAR

                               Confiscated shabu since the anti-drug war started


March 22, 2017

Para maliwanag lang, heto ang KADEMONYUHAN ng mga walang tigil sa pagbatikos sa anti-drug war ni Pangulong Digong Duterte,:

Walang tigil sa pagkondena at pagbatikos ang mga kontra sa anti-drug war. Pero KAHIT KAILAN, WALANG BUMATIKOS sa kanila sa mga DRUG LORD at drug pusher. Samantalang tulad natin, ALAM din nila na UNTI-UNTING PINAPATay ng illegal na droga ang isip at katawan ng addict, hanggang sa tuluyan na itong bawian ng buhay dahil sa pagka-sugapa.

Mula sa mga pulitiko hanggang sa mga human rights champions KUNO, kasama na ang maraming pari at madre ng Simbahang Katoliko, KAHIT ISA ay walang makapagsabi na  “Punyeta kayong mga drug lord/pusher, tumigil naman na kayo.” O kaya ay lumayas kayong mga drug lord at pusher.“  O kaya ay ”Salot ang droga, alisin natin ityo sa lipunan.”  O mga kahalintulad na komnento. WALA, KAHIT ISA.  Kung ano iyong tunay na PROBLEMA, HINDI PINAPANSIN ng mga ityo. Pero iyung mga LUMALABAN AT LUMULUTAS sa problema, iyon ang masama para sa kanila at PATULOY NILANG PINASASAMA. MAGKANO ang kinikita at sino-sino kaya sa inyo ang kumikita mula sa ma drug lord at pusher?

Wala ring tigil ang pagatake ng mga kontra sa drug war sa national media at sa mga kundi man BAYARAN ay mga TSISMOSO AT UTU-UTONG (SUCKERS AND RUMOR MONGERS) foreign media people na utos o kinukunsinti ni Digong ang mga pagpatay sa anti-drug war. Pero hanggang ngayon, kahit GA-PATAK NA PISIKAL NA EBIDENSIYA para patunayan ito ay WALA SILANG MAIPAKITA. Pilit nilang NILALASON ang kaisipan ng madla.

Para rin sa kanila, LAHAT ng mga namatay na sa giyera kontra droga ay SADYANG PINATAY AGAD ng walang dahilan o laban, mga biktima ng summary execution. Para sa kanila, walang nanlaban tulad ng sinasabi ng mga pulis. Humigit-kumulang nang 40 ang NAPAPATAY na pulis at iba pang awtoridad sa mga operasyon kontra droga, WALA PA RING NANLABAN na mga drug lord o pusher. Ganiyan sila KASINUNGALING at KAWALANG KONSIYENSIYA. At pansinin ninyo, mga kababayan, pulitiko man o pari o human rights cham pion kuno, WALANG NABALITA KAHIT ISA na nakiramay at tumulong sa mga naulila ng mga pulis o awtoridad na  pinatay ng mga drug  lord at pusher na tinangka nilang hulihin. WALA KAHIT ISA. Itama ako ninuman kung mali ako.  

Pero kaya ng MUKHA at SIKMURA  ng mga kontra na  ipamalita sa foreign media ang mga PANSARILI NILANG AKUSASYON kontra sa anti-drug war, at pagmukhaing napakagulo na dito sa atin. KAHIT WALA SILANG EBIDENSIYA kundi SALITA nila at bansa natin ang MASISIRA A sa international community.  Sapat na nga kaya ang DEMONYO NA ITAWAG SA MGA ITO?30  


No comments:

Post a Comment