Friday, March 10, 2017

MATOBATO WAWASAKIN NG TULUYAN ANG SARILI!



Image result for edgar matobato





March 10, 2017
MATOBATO WAWASAKIN NG TULUYAN ANG SARILI!

May balita sa inquirer.net na inihahanda na rtaw ng abugado ni Edgar Matobato ang kasong isasampa nila laban kay Panguylong Digong Duterte sa International Criminal Court (!CC). Mabuti naman at si Matobato na ang TULUYAN NANG WAWASAK SA KANIYANG REPUTASYON AT PAGKATAO, pati na ang mga nagaalaga sa kaniya, sa MATA NG BUONG MUNDO! Bakit?

LALABAS SA ICC ang mga KASINUNGALINGAN NIYA, ang mga PANLOLOKO na nakita sa mga statement niya nang humarap siya sa Senado noon upang akusahan si Digong. Tulad nang dineklara niyang sa isang fastfood restaurant pinatay ng mga miyembro kuno ng Davao Death Squad ang isang bilyonaryong negosyante, samantalang BUONG MEDIA na ang nagulat na sa sariling opisina nilikida ang biktima.

At ang pagpatay nila kuno ni Arturo Lacanas at mga kasamahan nilla sa dance instructor (DI) ng kapatid na babae ni Digong na si Jocelyn dahil sa panloloko. AGAD na ikinaila ito ng babae. At LUMABAS NA AT NAGPA-INTERVIEW pa sa GMA News ang DI. Naghamon pa ito na pwdeng ipagtanong sa Davao Cityt kung siya talaga ang DI ni Jocelyn mula pa noong 2007.

Kaya sige, Matobato. Isampa mo agad ang kaso. Para ICC na mismo ang MAKAPAGPATUNAY na ikaw at ang mga AMO AT KAKAMPI mo sa pagwasak kay Digng ay mga PUSAKAL NA SINUNGALING na HINDI NA DAPAT PANIWALAAN NINUMAN, KAILANMAN. Para anuman ang susunod na sabihin ng grupo ninyo, lalo pa ng mga amo ninyo, ay hindi lang sambayanang Pilipino ang agad na magbabasura kundi buong mundo. Kasama na  ang foreign media dahil makikita nila kung gaano kagrabe na sila niloloko ng pangkat ninyo.

Siguraduhin mo lang, Matobato, na kapag pati reputasyon at dignidad ng mga mahal mo sa buhay ay masisira na rin dahil sa iyo, HINDI SI DIGONG ANG SISIHIN MO! 30


No comments:

Post a Comment